Celebrities na naging flight attendant

Maraming Pinoy students ang nangangarap maging isang flight attendant o cabin crew.
Bukod sa competitive na salary na puwede mo kitain, ang pagpili ng career bilang isang flight attendant ay perfect choice para sa mga tao na mahilig na mag-travel.
Ayon sa panayam ng Philippine Airlines (PAL) spokesperson na si Cielo Villaluna, ang actual gross monthly pay ng isang PAL cabin crew ay nagri-range from P33,000 to P75,000.
Isa sa mga celebrities na dating nagtrabaho bilang airline steward ay ang 'Unang Hirit' host na si Kaloy Tingcungo!
Sa panayam ni Pia Arcangel, binalikan ng Morning Oppa sa Umaga ang ang dati niyang career na tumagal ng dalawang taon bago tumama ang COVID-19 pandemic noong 2020.
Samantala, ang 'Mano Po Legacy' star na si Darwin Yu ay certified cabin crew ng isang local airline.
Ayon sa panayam niya sa PEP.Ph, dream job talaga niya ang maging isang flight attendant.
Kuwento niya “Actually, being a cabin crew is also my dream job kaya I took up Tourism Management course.
“Nasa learning process pa ako sa mga ginagawa ko on board, pero kapag okay na, I will be back sa vlogging. Idadagdag ko sa contents ko ang buhay ko bilang flight attendant.”
Heto pa ang ilang celebrities na naging flight steward or tinalikuran ang show business para maging cabin attendant sa gallery na ito.













