Celebrities na naging mommies in their 40s!

May kaakibat na health issues ang magkaroon pa ng anak sa edad na 35 pataas. Ngunit, may mga celebrity moms na nagpakita ng lakas at tapang ng isang ina nung sila'y nagkaroon pa ng anak sa kanilang 40s.
Isa dito ang model at host na si Phoemela Baranda, kung saan isinilang niya ang kaniyang pangalawang anak sa edad na 40 noong 2021. Ang kaniyang panganay naman na si Nichole Baranda, ay pinanganak niya sa edad na 19.
Ang peligro sa kalusugan ay hindi lamang sa ina kudi pati na rin sa ipinagbubuntis na sanggol. Halimbawa nito ay ang dancer at host na si Regine Tolentino sa kanyang bunso na si Rosie Rignée, isang 'miracle baby.' Ilang araw din namalagi sa ospital si Rosie matapos itong maisilang ni Regine dahil sa high fever at pneumonia.
Maliban kila Phoemela at Regine, marami pang celebrity mommies ang nagkaroon ng anak later in their lives. Kilalanin sila sa gallery na ito:














