Hindi lamang sa entablado, pelikula, o telebisyon ipinapakita ng ilang celebrity ang kanilang talento. May mga personalidad na, sa kabila ng kinang ng showbiz, pinili ring magbahagi ng kaalaman at magturo sa loob ng silid-aralan. Pinapatunayan nila na ang pagiging guro ay hindi nalalayo sa pagiging artista --- parehong nagbibigay-inspirasyon at nakakaapekto sa buhay ng iba.
Narito ang ilang mga artista na pinasok din ang mundo ng pagtuturo.
Matapos maging isang beauty queen actress, lumipat sa Canada si Lara Quigaman kasama ang asawa na si Marco Alcaraz at ang kanilang mga anak. Dito, nagtapos si Lara ng Early Childhood Education in Vancouver at kalaunan ay naging isang early childhood educator.
Bago pa man tahakin ang pageantry, ang beauty queen actress na si Patricia Tumulak ay naging isang full-time teacher.
Nagtapos siya ng Child Development and Education sa Miriam College at nagkaroon ng karanasan ng pagtuturo sa pampubliko at pribadong mga paaralan. Nakipagsapalaran siya sa mundo ng beauty pageants at hinirang na Miss Philippines Fire 2009. Kalaunan naman na naging TV host si Patricia na napanood din sa "Chika Minute" ng '24 Oras.'
Naging guro sa OB Montessori si Ruby Rodriguez bago maging isang TV host actress mula dekada 80 hanggang sa lumipat na ito sa Los Angeles simula 2021 kasama ang kanyang pamilya.
Si Jalton ay nakilala bilang dating bassist ng bandang Sugarfree. Mula sa musika ay nakalipat ito sa mundo ng akademya at naging Associate Professor sa Department of Political Science sa University of the Philippine Diliman.
Ang kilalang host, manunulat, at online personality na si Ramon Bautista ay isang professor sa University of the Philippines, Diliman. Dito niya naibabahagi ang kanyang karanasan sa industriya ng TV sa kanyang mga estudyante.
Nagtapos si Marian Rivera sa kursong Psychology at nagtrabaho bilang isang Special Educations (SPED) teacher at nagtrabaho rin siya sa isang mental hospital bago sumabak sa pag aartista. Pangarap daw ni marian ang maging guro dahil mahilig siya sa mga bata.
Naging part-time professor din ang TV host na si Boy Abunda sa Philippine Women's University, kung saan siya nagturo sa larangan ng radio and television.
Mula sa pagiging child star at TV host, naging junior preschool teacher at school director din si Camille Prats sa kanilang family-owned school na Divine Angels Montessori of Cainta.
Nagtapos ng Early Childhood Education sa De La Salle University ang model actress na si Isabelle Daza at nagtrabaho bilang nursery teacher.
Isa sa mga award-winning na mamamahayag si Kara David, na assistant professor at pinuno rin ng Department of Journalism sa UP Diliman.
Bago naging isang radio disc jockey (DJ), nagsimula bilang instructor sa Polytechnic University of the Philippines si Papa Jack.
Ang mamamahayag, host, at mang aawit na si Lourd de Veyra ay nagturo ng dalawang termino sa De La Salle University-Taft, kung saan itinuro niya ang Pagsulat sa Media at Popular Culture and Film Criticism. Nagtapos siya ng kursong Journalism sa University of Santo Tomas.
Ang independent singer-songwriter na si Bullet Dumas ay kilala sa kaniyang natatanging pagka-Pilipinong tunog ng contemporary folk. Bukod dito, nagtuturo rin siya ng Matematika kung saan isinama niya ang kaniyang galing sa musika sa pagtuturo ng Matematika.