advertisement
Showbiz News

Celebrities na nakaranas ng bullying noon

1 of 26

Aaron Maniego

Madalas umanong ma-bully noon si Aaron dahil sa kaniyang pagiging mataba at hindi kaguwapuhan na mukha.

2 of 26

Prove them wrong

Nagsumikap si Aaron sa workout at pagpapa-pogi para patunayan sa kaniyang bullies na mali sila. "Form of revenge. Tawag dito, revenge body. And to prove people wrong, not for myself at that point in time. It started off like that," sabi ni Aaron

3 of 26

Dennis Trillo

Kilala ngayon bilang Kapuso Drama King si Dennis Trillo pero minsan na rin siyang na-bully noong estudyante pa lamang siya.

advertisement
4 of 26

New student

Pagbabahagi ni Dennis sa Fast Talk with Boy Abunda noong October 2025, bagong lipat siya noon ng school nang ma-bully siya. Dahil bagong salta umano siya sa school, madalas siyang mauto o masindak ng ibang estudyante noon.

5 of 26

Fifth Solomon

Naging target din ng bullying ang aktor, direktor, at content creator na si Fifth Solomon nang tawagin siya ng iba't ibang hindi magagandang bansag online.

6 of 26

Reclaiming the power

Naging masakit at mahirap man ito para kay Fifth, nanindigan naman siya kung sino siya at ipinaglaban ang sarili sa bashers at online bullies. "I grew up with no blueprint, no guidance, no safety net. So I taught myself how to fight, how to bite back. Truth is, we all like to play clean but live dirty. Most of us enjoy watching others fall. Let's not pretend," sabi niya sa kaniyang post.

advertisement
7 of 26

Elijah Alejo

Gaya ni Dennis, bagong salta lang din noon si Elijah Alejo sa school nang ma-bully siya ng isang batchmate sa group chat nila, kung saan kung ano-ano ang sinabi nito tungkol sa aktres.

8 of 26

Fighting back

Hinayaan lang noong una ni Elijah ang pambu-bully dahil nasa bagong school siya. Ngunit nang makita ng kaniyang mommy ang message ng bully, sinabihan siyang sapakin nito ang lalaki. "That's what I did. Naghabulan kami the next day sa whole building, buong fourth floor. And, pagkahabol ko sa kanya hinihingal na kami pareho kasi pagod na pagod na, so kinuwelyuhan ko na lang. Right now, friends kami. It ended good," sabi ng aktres.

9 of 26

Barbie Forteza

Sa eskwela rin nangyari ang pambu-bully noon kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza. Kwento ng aktres, "Public school po ako dati, grade one hanggang grade four. Uso po sa amin [noon ang] food tray. Parang sa isang classroom may food tray lang nagbebenta ng kung ano 'yung mga meron doon. Tapos may kaklase ako na in-charge sa paglilista ng noisy, tapos kapag hindi ko siya pinautang, ililista niya ako sa noisy. Eh, kapag nasa noisy ikaw 'yung huling [pipila.] Eh, minsan 'di na ako umaabot sa pagkain. Pero malilima-limang piso lang naman 'yung utang [ng kaklase ko sa akin.]"

advertisement
10 of 26

Inilaban ang pangarap

Ngunit ang pambu-bully rin na ito mismo ang dahilan ni Barbie kaya niya inilaban ang pagiging isang artista. Sabi ng aktres, "Siguro, kaya ginusto ko maging artista. Kasi parang sabi ko, ipapakita ko sa kanila na may kaya akong gawin, kasi nga hindi nila ako pinapansin."

11 of 26

Myrtle Sarrosa

Naging traumatic din para kay Myrtle Sarrosa ang magputna sa school noon dahil sa pambu-bully ng isang kaklase. Kwento niya sa epsidoe ng Fast Talk with Boy Abunda noong 2024, isang kaklase ang nangumbinsi sa mga klase nila na huwag siyang pansinin at kausapin.

12 of 26

Friends

Dahil dito, nahirapan umano siyang magkaroon ng bagong mga kaibigan. Ngunit kalaunan, humingi naman ng tawad ang dating kaklase at ngayon ay magkaibigan na sila. Sabi ng kaibigan niya, hindi umano nito inakala na ganoong trauma pala ang naibigay nila sa aktres.

advertisement
13 of 26

Kiray Celis

Hindi naman na umano bago para kay Kiray Celis ang bullying dahil dati pa naman siya nakakaranas nito.

14 of 26

Pare-pareho

Ayon kay Kiray, pare-pareho lang naman ang naririnig niya mula sa bashers, at pare-pareho ding masakit. "Walang mas, walang konti, lahat 'yun masakit, pero pagpasok dito, wala na kasi wala naman akong nakukuha sa kanila. Hindi naman sila 'yung nagbibigay ng trabaho sa'kin," sabi ni Kiray sa panayam sa kaniya sa Fast Talk with Boy Abunda.

15 of 26

Herlene Budol

Nakaranas din ng bullying ang dating Binibining Marikit star na si Herlene Budol dahil sa kaniyang pisikal na itsura. Pagbabahagi ng aktres, elementary hanggang college ay nakaranas siya ng bullying.

advertisement
16 of 26

Extra effort

Ngunit kahit madalas ma-bully, nagbigay naman ng extra effort ang aktres para ayusin at pagandahin ang sarili. Para sa kaniya, oportunidad ito para sa ma-improve ang sarili.

17 of 26

Ruru Madrid

Pangangatawan din ang naging dahilan kung bakit na-bully noon ang Kapuso Action Drama Hero na si Ruru Madrid. Ngunit ito naman ay dahil sa kaniyang sobrang kapayatan.

18 of 26

Sobrang nipis

Pagkukwetno ni Ruru sa Mars Sharing Group, "Halos kasing bigat ko lang 'yung mga babae dun sa Protégé. Sobrang nipis (ko), as in sobrang nipis. Ngayon, 160 pounds ako."

advertisement
19 of 26

Winwyn Marquez

Hindi naman naging madali para kay Winwyn Marquez ang maging anak ng batikang aktres na si Alma Moreno. Sa panayam sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niyang dito marahil nagsimula ang insecurities niya dahil madalas siyang makumpara sa kaniyang ina.

20 of 26

Pageantry

Lalong lumala ang bullying sa kaniya noong sumali siya sa pageants, at nakumpara lalo sa kaniyang ina. Aniya, madalas mapansin ng mga tao kung gaano kaiba ang itsura niya sa ina. Ngunit kahit ganoon, proud pa rin si Winwyn na napapansin ng mga tao ang ganda ng kaniyang ina.

21 of 26

Faith Da Silva

Maging si Faith Da Silva, hindi rin nakaligtas sa bullying noong kabataan niya. Pagbabahagi ng aktres sa episode ng TiktoClock noong 2023, noong grade 1 ay nabully din siya ng ibang bata.

advertisement
22 of 26

Na-bully ng iba

Ayon kay Faith, maaaring na-bully rin ng iba ang mga bully, ngunit nagpaalala siya na huwag iyon gagayahin. "Kailangan magkaroon tayo ng compassion and understanding sa mga taong nakapaligid sa atin. Hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan nila sa kanilang mga bahay-bahay," sabi ni Faith.

23 of 26

Nelson Canlas

Kahit ang batikang entertainment reporter na si Nelson Canlas, nakaranas din noon ng bullying. Sa isang episdoe ng Mars, ibinahagi niyang dumanas siya ng iba't ibang klase ng bullying, mula sa verbal hanggang sa physical na abuse.

24 of 26

Physical abuse

Umabot na rin umano sa puntong naging sobrang pisikal na ng pambu-bully sa kaniya at nasaktan siya ng husto. Ngunit kalaunan, marami na rin ang humingi sa kaniya ng tawad dahil sa pambu-bully na ito.

advertisement
25 of 26

Haley Dizon

Naging dahilan naman ang bullying para magkaroon ng trust issues si Hating Kapatid star Haley Dizon. Pagbabahagi niya, naging usap-usapan siya noong high school siya, at madalas mapagtsismisan ng kaniyang mga kaklase.

26 of 26

Iba't ibang storya

Marami rin umanong lumabas na iba't ibang istorya tungkol sa kaniya noong nag-aaral pa lang, dahilan para komprontahin siya ng iba pang estudyante at maging ng kaniyang mga propesor. Dahil dito, mas pinili niya umanong huwag maging malapit na sa ibang tao.

Around GMA