Celebrities na namatayan ng mahal sa buhay

Nagluluksa ang buong pamilya ni Jackie Lou Blanco sa pagpanaw ng kaniyang ex-husband na si Ricky Davao nitong May 1, 2025. Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanilang anak na si Ara Davao nitong May 2.
Matatandaang bago ito, pumanaw ang ina ni Jackie Lou na si Pilita Corrales.
Nawalan din ng mahal sa buhay ang 'Pinoy Big Brother' host na si Robi Domingo.
Inilarawan ni Robi na 'bittersweet' ang kasal nila ng asawa na si Maiqui Pineda noong January 6, 2024.
Ang araw na ito ay kanilang pinakahihintay, ngunit nabalot din ito ng kalungkutan dahil sa hindi inaasahang pagpanaw ng kaniyang Inang Liling o Ina.
Sa Instagram post, inalala ni Robi ang babaeng nag-alaga sa kaniya noong siya ay bata pa lamang.
Paglalahad niya, “As I was about to leave the place, my mom was sobbing as she tried to tell me that my Lola passed away that same morning. Apparently, my family didn't tell us so that our focus was our magical day. "Ina", as I fondly called her, took care of me especially when I was a toddler. I loved how she made her ube halaya and Leche flan sa llanera.
“Rest in peace, ina. Please look after us together with ama. Thank you, and we love you.”
Matindi rin ang hinagpis ng actress-vlogger na si Angelica Panganiban nang inanunsyo niya na namatay ang kaniyang Mama Annabelle “Ebela” Panganiban noong August 20, 2024.
Heto ang ilan pa sa mga celebrities na humarap sa matinding pagsubok matapos mamaalam ang mahal nila sa buhay o kanilang kaibigan.






















