Celebrities na proud fur parents sa mga aspin

Usap-usapan kamakailan lang ang isang restaurant sa Tagaytay sa pagiging prejudiced umano nito sa local dogs nang tanggihan nitong papasukin ang isang pet owner at kanilang aspin o asong Pinoy sa kanilang establisyemento.
Dahil sa nangyari, "nag-react" ang sikat na aspin ni Heart Evangelista na si Panda sa kaniyang Instagram page para ipahayag ang kaniyang opinyon sa nangyari.
Caption niya sa kaniyang post, "Anong walang breed ???! Mas may breeding pa ako sa Inyo ha.Loka mga to. Hello sa mga kasali sa Aspin Society Elite."
Hindi man direktang sinabi sa kaniyang post ang pangalan ng establisyemento, binanggit naman ni Heart ang pangalan ni Yoda sa kaniyang Instagram post, ang aspin na hindi pinapasok sa restaurant.
Isa lang si Heart sa mga celebrities na proud fur parent sa kaniyang aspin na si Panda. Tingnan sa gallery na ito kung sino-sinong celebrities ang fur parent din sa local dogs ng bansa:












