Usap-usapan kamakailan lang ang isang restaurant sa Tagaytay sa pagiging prejudiced umano nito sa local dogs nang tanggihan nitong papasukin ang isang pet owner at kanilang aspin o asong Pinoy sa kanilang establisyemento.
Dahil sa nangyari, "nag-react" ang sikat na aspin ni Heart Evangelista na si Panda sa kaniyang Instagram page para ipahayag ang kaniyang opinyon sa nangyari.
Caption niya sa kaniyang post, "Anong walang breed ???! Mas may breeding pa ako sa Inyo ha.Loka mga to. Hello sa mga kasali sa Aspin Society Elite."
Hindi man direktang sinabi sa kaniyang post ang pangalan ng establisyemento, binanggit naman ni Heart ang pangalan ni Yoda sa kaniyang Instagram post, ang aspin na hindi pinapasok sa restaurant.
Isa lang si Heart sa mga celebrities na proud fur parent sa kaniyang aspin na si Panda. Tingnan sa gallery na ito kung sino-sinong celebrities ang fur parent din sa local dogs ng bansa:
Isa ang Global Fashion Icon na si Heart Evangelista sa mga proud fur parent ng isang aspin, si Panda.
Bilang celebrity spokesperson ng The Philippine Animal Welfare Society o PAWS, naging passion at adbokasiya na rin niya ang animal rescue at pag-adopt ng pets.
Sa limang alagang aso ni Asia's Multimedia star Alden Richards, isa doon ay ang clingy aspin na si Chichi.
Bilang ambassador rin ng PAWS, hinihikayat rin ng Pulang Araw actor ang iba na mag-adopt mbis na bumili ng pets.
Proud fur parent din ng isang aspin si Widows' War actor Royce Cabrera. Sa isang interview noong 2022, sinabi niyang inampon niya si Lulu noong pumasok ito sa kanilang sisig restaurant.
Kuwento ni Royce, umuulan noon nang pumasok si Lulu sa kanilang restuarant na madungis. Naawa siya noon kaya naisipan niyang ampunin na lang ito.
Isang proud owner din ng aspin ang content creator na si Jelai Andres. Nagpo-post si Jelai ng ilang litrato ng kaniyang pet na si Popoy sa kaniyang social media accounts. Bukod kay Popoy, meron pa siyang ilan pang dogs and cats, kabilang na ang ni-rescure rin niyang cat na si Shawarma.source:
Meron ding komento si Jelai sa nangyari sa nasabing establisyemento sa Tagaytay, at sinabing "They are never 'just an ASPIN.'"
Proud fur parents din ang celebrity couple na sina Joey at Angie Mead-King. Katunayan, marami silang alagang animals sa kanilang farm at karamihan sa kanila ay adopted o rescued. Kabilang sa kanilang alaga ay ang aspins na sina Happy at Beamer.
Isa ang vlogger and dog trainer na si Tristan Huertas sa mga kilalang fur parents ng aspin. Bukod sa talented celebirty dog niyang si Milo, meron siyang malaking grupo ng dogs, at tatlo sa kanila ay aspin; sina Taal (fourth from left), Jorge (leftmost), at Pia(rightmost).
Noong 2021 nang unang makilala at ampunin ni Mega Star Sharon Cuneta ang kaniyang aspin na si Pawi. Nagte-taping umano siya noon sa Olongapo nang lapitan siya nito at hindi nagtagal ay nagdesisyon na siyang ampunin ang kaniyang aspin.
Adbokasiya rin ni Sharon ang tumulong sa PAWS na alagaan ang mga inabandonang pets sa pamamagitan ng donasyon. Nagpo-post din ang Mega Star sa kaniyang social media accounts tungkol sa pag-adopt at pagtulong sa PAWS.
May limang furbabies ang aktres na si Maritoni Fernandez at dalawa sa kanila ay ang mga aspin na sina Tigger at Shark.