advertisement
Showbiz News

Celebrities, nakiisa sa 'Takbo Para sa Pelikulang Pilipino' event

1 of 18

Barbie Forteza

Masaya ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa kaniyang paglahok sa naturang fun run dahil bukod umano sa nakatulong siya para sa improvement ng entertainment industry, ito rin ang kaniyang kauna-unahang 16 km run.

2 of 18

First 16k

Sa records na pinakita ni Barbie, inabot siya ng 1 hour at 52 minutes para matapos ang 16km run. Sa post niya sa Instagram, ipinahayag ni Barbie kung gaano siya kasayang makatakbo sa naturang event, at makasama ang iba pang artists at participants dito.

3 of 18

Kristoffer Martin

Present din si Kristoffer Martin sa 'Takbo Para sa Pelikulang Pilipino' event. Sa records na pinost ng aktor sa kaniyang Instagram stories, tinapos niya ang 16km run sa loob ng 1 hour at 52 minutes.

advertisement
4 of 18

Bonding

Nakasama at naka-bonding pa niya ang kaibigan na si Barbie. Ayon sa aktres, "solid" umano ang pacer niyang si Kristoffer.

5 of 18

Alden Richards

Bukod sa pagiging isa sa mga organizer ng naturang fun run, nakitabo rin siyempre si Alden Richards kasama ang kapwa runners sa event.

6 of 18

Going the distance

Sa post ng fans club ng aktor na Alden Knights Philippines, ito umano ang unang 16k run ng aktor. Ipinahayag din ng grupo kung gaano sila ka-proud sa ginawa ng aktor, at sa dami ng suportang nakuha ng fun run.

advertisement
7 of 18

Martin Javier

Bukod sa pagiging host ng event, isa rin sa mga runner ng 'Takbo Para sa Pelikulang Pilipino' ang sportscaster na si Martin Javier. Pag-amin niya, naging challenge din ang endurance niya lalo na at kababalik lang niya sa training.

8 of 18

Podium finisher

Ngunit kahit kababalik lang sa training at nahirapan, podium finisher pa rin sa 16k run si Martin kung saan nagtapos siya bilang third place.

9 of 18

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado

Present din sa naturang fun run ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Sa katunayan, nasa pinakaharap pa sila ng kapwa runners, excited na makitakbo.

advertisement
10 of 18

Gina Alajar

Present din ang actress at direktor na si Miss Gina Alajar sa naturang fun run. Katabi niya sina Jennylyn at Dennis sa harap ng runners.

11 of 18

Kim Chiu

Nakitakbo rin ang Chinita Princess at It's Showtime host Kim Chiu na lumahok sa 16KM run.

12 of 18

Running with friends

Kasama rin ni Kim Chiu ang ilang mga kaibigan sa pagdalo at pagtakbo sa naturang fun run.

advertisement
13 of 18

Paulo Avelino

Isa sa mga nakasama ni Kim ay ang co-actor niya sa isang teleserye na si Paulo Avelino. Sabay nilang tinakbo ang 16KM kasama ang ilang kaibigan. Sa records na pinost ni Kim, natapos niya ito sa loob ng 1 hour at 43 minutes.

14 of 18

Jon Lucas

Present din ang Kapuso actor at Lolong: Pangil ng Maynila star na si Jon Lucas.

15 of 18

Kuya Kim Atienza

Bilang isa sa mga fitness at health enthusiasts, hindi na nakakagulat na isa si Kuya Kim Atienza sa mga lumahok sa naganap na 'Takbo Para sa Pelikulang Pilipino' fun run event.

advertisement
16 of 18

Dingdong Dantes

Nakasama rin niya ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Sa post ni Kuya Kim, tumakbo sila sa 10K race.

17 of 18

Jerald Napoles

Nasa running era na rin niya ang theater actor at comedian na si Jerald Napoles na nakilahok sa naturang fun run.

18 of 18

JC Santos

Dumalo rin sa fun run si Kapamilya actor JC Santos at nakitakbo para sa MOWELFUND.

advertisement

Around GMA