Celebrities show support for Mikee Quintos's PBB 3.0 journey

Nakilala na ang mga unang housemate na nominado sa 'Pinoy Big Brother Collab 3.0'!
Matapos ang dalawang linggong pagsasama, opisyal nang naganap kagabi (November 8) ang kauna-unahang nominasyon sa loob ng bahay ni Kuya.
Isa sa mga Kapuso star na nominado ang Independent Archi-tista na si Mikee Quintos. Kasama rin niya sa listahan ang kapwa Kapuso housemates na sina Ethan Benares at Nicole Fortuna.
Sa kabila nito, agad namang bumuhos ang suporta mula sa outside world para sa mga nominado.
Mula sa ordinaryong mga Pilipino hanggang sa mga celebrity, marami ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa pamamagitan ng social media posts at iba't ibang proyekto.
Silipin ang ilan sa mga celebrity na nagpamalas ng suporta kay Mikee Quintos sa feature na ito.





