Present sa TikTok Awards Philippine 2023 ang ilang kilalang showbiz personalities.
Kabilang sa celebrities na dumalo sa event ay ang Abot-Kamay Na Pangarap actor na si Chuckie Dreyfus, Sparkle actress na si Sherilyn Reyes-Tan, at marami pang iba.
Ang special event ay idinaos noong September 6 ng hapon sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.
Sino-sino pa kaya ang spotted sa big awarding event? Silipin sa gallery na ito.
All smiles ang Abot-Kamay Na Pangarap actor na si Chuckie Dreyfus nang dumating siya sa venue para sa TikTok Awards 2023.
Bukod sa pagiging aktor, nakahiligan na rin ni Chuckie ang pagti-TikTok.
Present din sa event ng TikTok ang seasoned actress at singer na si Tina Paner.
Busy man sa career at negosyo, hindi pinalampas ng Sparkle star na si Sherilyn Reyes-Tan ang naturang TikTok event.
Kasama ni Sherilyn Reyes-Tan na dumalo sa TikTok Awards 2023 ang kanyang mga anak na sina Ryle Paolo at Lorenz.
Inirampa ng Sparkle star na si Sofia Pablo ang kanyang black modern Filipiana sa magarbong TikTok event.
Spotted na magkasama sa event ang Sparkle love team na sina Allen Ansay at Sofia Pablo.
Dumalo sa special event ng TikTok ang actress at gaming content creator na si Myrtle Sarrosa.
Noong 2022, itinanghal siya bilang TikTok's Top Gaming Storyteller.
Ang celebrity mom na si Iwa Moto ay dumalo rin sa TikTok Awards PH 2023.
Kasama niyang pumunta sa event ang kanyang partner na si Pampi Lacson.
Dumating ang Sparkle teen star na si Ashley Sarmiento sa awarding event suot ang kanyang teal-colored na modern Filipiniana.
Spotted na magkasama sa TikTok Awards 2023 ang Sparkle stars at mag childhood best friends na sina Marco Masa at Ashley Sarmiento.
Agaw-pansin sa naturang event ang mala-pang teenager na outfit ng actress na si Geneva Cruz.