Sa pagpasok ng taong 2022, sinalubong ito ng muling pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa iba't ibang bahagi ng mundo - kabilang na ang Pilipinas.
Hindi naiwasan na magkahawaan matapos manumbalik ang karamihan sa kani-kanilang mga pangkaraniwang pagdiriwang ng katatapos lamang na Pasko at Bagong Taon.
Maging ang ilang artista't kilalang personalidad, hindi nakaligtas at natamaan din ng virus. Kilalanin dito ang celebrities na nagpositibo sa COVID-19 sa gitna ng surge ngayong Enero.
Isa sa mga nagpositibo sa COVID-19 ngayong Enero 2022 ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach habang siya ay nasa United Kingdom kasama ang kaniyang pamilya. Fully vaccinated na ang beauty queen pero hindi pa rin ito nakaligtas sa virus.
“I've been fully vaccinated and received my booster shot already. Kumpleto rin ako ng flu and pneumonia vaccines. I eat healthy and I'm active, but I still got it. I got all the symptoms too. Fever, sore throat, body pain, runny nose, cough, and I also lost my sense of smell and taste. It's not like a regular cold or flu that goes away after a few days,” sulat ni Pia sa kaniyang Instagram post.
Sa unang linggo rin ng buwan ng Enero, kinumpirma ng handler ni Alyssa Valdez na nagpositibo ang volleyball star sa COVID-19. Matapos makaramdam ng ilang sintomas, agad daw na nagpa-RT-PCR test ang 28-year-old na si Alyssa at dito na lumabas ang resulta na siya nga ay positibo sa virus.
Ang social media influencer na si Inka Magnaye ay hindi rin nakaligtas sa banta ng COVID-19. Matapos siyang magpositibo, nagpaalala si Inka tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo at paggamit ng vape sa kalusugan.
“Now that I have COVID, I'm just SO THANKFUL I'm not a smoker anymore. I can't imagine how much harder this would be for me if I still smoked/vaped like I used to. If you haven't quit yet, please think about how you're living through a pandemic that attacks the lungs,” sulat ni Inka sa kaniyang Tweet.
Kahit na kumpleto sa bakuna at booster shot, nahawaan pa rin ng virus ang LGBTQIA+ couple na sina Mikey Bustos at Rj Garcia. Ayon sa influencer na si Mikey, bagamat nagpositibo sila, malaki naman daw ang naitulong ng bakuna upang mas malabanan ng kaniyang katawan ang nakuhang virus.
Kuwento ni Mikey sa kaniyang Instagram post, “It's times like these when I am grateful for being so OC about nutrients/vitamins, as well as exercise. I feel my body winning the war already as I've given it the best fighting chance right from the start.
Dagdag pa niya, “Stay safe out there, everyone! Get vaccinated and boosted when you can. It can save your life and many others! Eat, exercise, and rest well. Omicron is super contagious and airborne now! Let's all be healthy and fight this together.”
Sa pagpasok ng taong 2022, muli namang nagpositibo sa COVID-19 ang aktres at komedyante na si Candy Pangilinan. Sa isang YouTube video, ikinuwento ni Candy ang kaniyang karanasan sa ikalawang beses na pagkakaroon ng virus at ang takot na baka mahawaan niya ang kaniyang pamilya.
"Naka-isolate po ako. This is the second time nagkaroon po ako ng COVID. The first time was last year, December (2020)," naluluhang ibinahagi ni Candy.
Dagdag pa niya, "No'ng unang beses po akong magka-COVID, hindi po sila nahawa at all. Wala po silang symptoms. Pero ngayon hindi ko alam, and I really hope and pray na sana hindi sila nahawa."
Malaki rin ang takot na iniwan ng COVID-19 sa multi-awarded TV at radio host na si Arnold Clavio matapos siyang magpositibo sa virus.
Matapos maging close contact ng isang positive carrier, agad na nagpa-antigen test ang newscaster, at ito ay nag-negatibo, ngunit upang makasiguro nagpa-RT-PCR test na si
Arnold at dito na nga lumabas ang resultang positibo siya sa COVID-19.
Nagpaalala rin si Igan sa publiko na mag-doble ingat ngayon, aniya, “Sa kabila ng pag-iingat ko, wearing of mask, hand washing, social distancing, vitamins, immune booster, lots of vitamin D, tinamaan pa rin ako and I don't know how… So be careful everyone… See you in after 7- 14 days of isolation… God is good! Amen.”
Isa rin sa mga tinamaan ng virus sa kasagsagan ng COVID-19 surge ngayong Enero 2022 ay si Senator Kiko Pangilinan. Matapos magpositibo sa kaniyang RT-PCR test agad siyang nag-isolate sa kanilang tahanan, maging ang kaniyang pamilya ay minabuti rin na mag-quarantine sa magkakahiwalay na kuwarto ng kanilang bahay.
Sa isang YouTube vlog na ipinost ni Tuesday Vargas nitong January 9, ikinuwento ng aktres at komedyante. Bagamat nagnegatibo sila sa COVID-19 antigen test ng kaniyang pamilya, nakakaramdam pa rin daw siya ng mga ilang sintomas ng pagkakaroon ng virus kaya napagdesisyunan na nilang magpa-RT-PCR test. Dito, lumabas na positibo siya sa virus. Ito na ang ikalawang beses na nagpositibo si Tuesday sa COVID-19, na una niyang nakuha noong Mayo 2021.
Noong January 10, ibinahagi ni Iya Villania na nagpositibo siya sa COVID-19. "Drew and I are still hanging onto that little chance that maybe kids are spared. This was the hardest thing to accept upon learning I was positive."
Matapos na mahawaan ng COVID-19 ang asawang si Brian Portunak at limang anak, ibinahagi ni Ina Raymundo na nagpositibo rin siya sa COVID-19. "We all got COVID, my husband and five kids. Most of them have recovered but I just tested positive today (January 7)."
Nagpositibo sa COVID-19 si Miss Grand International 2020 1st runner up Samantha Bernardo noong January 9. "I am feeling weak and have colds as symptoms but I am still able to smell and taste."
Kasama sa hanay ng mga kilalang personalidad na nagpositibo sa COVID-19 ngayong Enero ang Miss Universe 1999 first runner-up na si Miriam Quiambao.
Ayon sa kaniyang asawa, negatibo raw ang unang lumabas sa antigen test ni Miriam ngunit nang muli nilang subukan kinabukasan, positibo na raw ang naging
Kinumpirma ng Sparkle GMA Artist Center na kasalukuyang sumasailalim si Pokwang sa mandatory isolation matapos siyang magpositibo sa virus. Sa kaniyang Instagram stories, muling binigyang diin ng komedyante na malakas na pansangga pa rin laban sa virus ang pagiging bakunado.
Ibinunyag naman ni Miss Globe 2021 Maureen Montagne na hindi rin siya nakaiwas mula sa virus nang siya'y magpositibo rin sa COVID-19. Pinaalalahanan naman niya muli ang publiko na patuloy na magsuot ng face masks at sumunod sa mga health protocol upang maprotektahan ang sarili at ang ibang tao na nakasasalamuha nila araw-araw.
On January 12, Olympic gold medalist Hidilyn Diaz revealed that she has tested positive for COVID -19 and told everyone to stay cautious and follow health protocols.
She wrote in her post, “Kahit ako po, nag-positive na po. Ingat po tayong lahat. Magpalakas at sundin lahat ng health protocols.”
Iya Villania revealed that her son, Leon Arellano, also tested positive for COVID-19 on January 12.
The 'Mars Pa More' host shared that her son woke up with a fever and was also vomiting that morning. “I knew chances were slim but after almost a week, our little kuya (as well as our ate that takes care of Alana) has joined me on the dark side. Leon woke up with a fever and also (vomiting emoji) this morning. Geez.. this COVID is so tricky ah!” a portion of her post reads.
Ibinahagi ni Vico Sotto sa Twitter noong January 15 na nagpositibo siya COVID-19. Ayon kay Vico, nakararanas siya ng pananakit ng lalamunan at katawan, gayundin ang lagnat. "But please don't worry! I'll continue to work remotely while in isolation for the next seven days."
Nagpositibo sa COVID-19 sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales habang nasa Amerika.
Bangungot para sa aktor na si Vin Abrenica ang pagtama ng COVID-19 sa kanyang pamilya. Matapos makaramdam ng sintomas, agad na nagpa-test si Vin at nakumpirmang nagpositibo sa virus ang aktor. Nagpositibo rin ang kanyang fiancèe na si Sophie Albert at kanilang anak na si Avianna Celeste.
Sa ngayon ay nag-negatibo na si Vin at patuloy pa ring nagpapagaling ang kanyang mag-ina.
Sa Instagram story, ibinahagi ni Yasmien Kurdi ang resulta ng RNA-PCR test kung saan makikita na nag-positibo sila sa COVID-19 ng kanilang anak ni Rey Soldevilla na si Ayesha.
Ibayong pag-iingat ang payo ng aktres sa publiko lalo't sa mga gaya niyang magulang at may batang anak.
Biyernes, January 14, ibinahagi ng 24 Oras reporter na si Mav Gonzales na nahawaan at nag-positibo rin siya sa Covid-19.
Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nagpapagaling ang mahusay na mamamahayag.
Isa rin ang Bossa Nova queen na si Sitti Navarro sa mga tinamaan ng COVID-19 sa kasagsagan ng muling pagtaas ng mga kaso ng virus sa bansa.
Hirap ang sitwasyon ngayon ni Sitti dahil siya ngayon ay breastfeeding positive mom.
Sa kabila ng ibayong pag-iingat, ibinahagi ng aktres na si Ivana Alawi na nag-positibo siya sa COVID-19 kasama ang kaniyang kapatid na si Hash Alawi at ang kanilang ina.
Matapos magnegatibo sa COVID-19 ang asawa at anak ng TV host na si Pia Guanio na sina Steeve Mago at Scarlet, ibinahagi naman ni Pia sa kaniyang Instagram account kamakailan na sila naman ng kanilang bunsong anak na si Soleil Brooklyn ang tinamaan ng virus.
Kabilang na rin sa listahan ng mga sikat na personalidad na nagpositibo sa COVID-19 ang pamilya ng celebrity couple na sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Chynna ang sitwasyon ng kanilang pamilya habang nilalabanan ang virus..
Ayon sa isang report, matapos magpositibo sa COVID-19 antigen test ang aktor na si Troy Montero, agad din siyang sumalang sa isang RT-PCR test at dito na nakumpirma ang mga sintomas na tinamaan na rin siya ng virus.
Kasalukuyang nagpapagaling ang aktres na si Michelle Madrigal matapos siyang magpositibo sa COVID-19. Sa isang post, ikinuwento ng aktres na bumubuti na ang kanyang pakiramdam dahil sa patuloy na pag-aalaga sa katawan.
Isa si Shayne Sava sa mga tinamaan ng COVID-19 sa unang buwan ng 2022. Sa kaniyang Instagram stories, ibinahagi niya na pinadalhan siya ni Abdul Raman ng prutas para makatulong sa kaniyang pagpapagaling.
Inamin ni Chesca Garcia sa kaniyang Instagram stories na positibo siya sa COVID-19 at kasalukuyang nagpapagaling para hindi mahawaan ang kaniyang pamilya.
Nag-post naman ng mensahe ang asawa niyang si Doug Kramer para ipakita ang suporta sa kaniyang misis. Saad ni Doug, "I miss you @chekakramer. A few more days honey. PS. Bwisit ka covid."
Ibinahagi ni Aicelle Santos na kahit nagpositibo siya sa COVID-19 ay nagpapasalamat naman siya na hindi nahawaan ang kaniyang anak na si Zandrine.
"Graduated from covid isolation yesterday! Thankful that it's mild and that Zandrine didn't catch it despite direct breastfeeding. Now I see how important masks are in preventing the spread of the virus. So people, mask up!"
Additional keywords: shayne sava, chesca garcia, aicelle santos
"Gumradweyt po ako sa omicron [variant]. Nag-positive po ako. Basta po ako, safe po ako at saka 'yung pamilya ko pong inuuwian ko araw araw," pahayag ni "Hipon Girl" Herlene Budol sa isang panayam sa '24 Oras.'