Celebrities who handled wardrobe mishaps with grace

Bukod sa mga technical problem, stage fright, at delayed signal, isa rin sa mga hindi inaasahang insidente na maaaring maranasan ng isang artista nang live ang wardrobe malfunction.
Kaya naman kahanga-hanga ang mga celebrity na nagagawang ituloy ang kanilang performance upang hindi maantala ang daloy ng programa.
Gaya na lamang ni Michelle Dee, na ipinakita ang pagiging propesyonal sa gitna ng aberya sa suot niyang sapatos habang rumarampa sa runway ng isang local fashion event.
"That's why you train. Your job is to not make it obvious na may nangyayari. I think every model can say na not everything goes perfectly," sabi ng beauty queen-actress-singer sa panayam sa kanya ng '24 Oras.'
Nauwi naman sa isang funny moment nang aksidenteng ma-unzip ang likod na bahagi ng dress ni Vice Ganda sa It's Showtime. Sa halip na maging awkward, nauwi ito sa good vibes at kulitan kasama ang kanyang co-hosts na isa sa mga inaabangang elemento ng noontime show.
Tingnan ang ilang celebrities na pinatunayang “the show must go on” sa kabila ng kanilang wardrobe mishaps sa gallery na ito.









