Celebrity couples na pinuntirya ng breakup rumors

Tila umulan ng celebrity breakup rumors ang last quarter ng 2023 na ikinalungkot at ikinadismya ng publiko.
Kabilang na rito ang hiwalayan umano ng Kapuso actor na si Xian Lim at It's Showtime host na si Kim Chiu, at maging ang longtime couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Bagamat hindi man kumpirmado kung totoo o hindi ang mga hiwalayan, apektado pa rin ang maraming fans at tagasuporta ng mga involved na celebrity.
Narito ang ilan sa mga celebrity couple na pinuntirya ng hiwalayan issue bago matapos ang taon:














