News
Celebrity deaths 2025: Actors, singers we've lost

Ngayong 2025, ilang haligi na ng industriya ng showbiz sa Pilipinas ang pumanaw.
Marami ang nagulat sa pagpanaw ni Asia's Queen of Songs Pilita Corrales noong April 12. Sinundan din agad ito ng isa pang nakakalungkot na balita ng pagpanaw ni Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor noong April 16.
Noong April 22, namayapa ang OPM icon at ang orihinal na kilabot ng mga kolehiyala na si Hajji Alejandro. May 2 naman pumanaw ang batikang aktor at direktor na si Ricky Davao matapos ang pakikipaglaban sa cancer.
Tingnan ang celebrities na sumakabilang buhay na ngayong 2025 sa gallery na ito:


































