advertisement
Celebrity Life

Celebrity ex-couples na nanatiling magkaibigan para sa anak

1 of 17

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna

Matapos ang kanilang masalimuot na hiwalayan noon, mas nag-mature ang dating magkasintahan na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna alang-alang sa kanilang anak na si Elias. Sa katunayan, puring-puri ni Ellen ang kanyang ex-partner sa pagiging present father nito.

2 of 17

Andi Eigenmann and Jake Ejercito

Napanood ng mga Pilipino ang hindi pagkakasundo ng dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito pagdating sa kustodiya ng kanilang anak na si Ellie. Gayunpaman, nagawang lagpasan ito ng dalawa at nagkaroon ng maayos na co-parenting arrangement. Sa katunayan, sinisigurado nina Andi at Jake na pareho silang present sa importanteng milestones sa buhay ni Ellie gaya ng 13th birthday nito.

3 of 17

Katrina Halili and Kris Lawrence

Nagkahiwalay man sina Katrina Halili at Kris Lawrence pero matiwasay pa rin nilang napapalaki ang kanilang anak na si Katie.

advertisement
4 of 17

Sunshine Dizon and Timothy Tan

Hiwalay mula noong 2016 ang dating mag-asawa na si Sunshine Dizon at Timothy Tan, ngunit nirerespeto pa rin ni Sunshine si Timothy bilang ama ng kaniyang mga anak na sila Doreen at Anton.

5 of 17

Ogie Alcasid and Michelle van Eimeren

Labing-dalawang taong kasal sina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren bago sila naghiwalay. Nag-uusap at nagkikita pa rin hanggang ngayon ang dating mag-asawa at nananatiling magkaibigan, maging ang kanilang kasalukuyang kinakasama. Ikinasal si Ogie kay Asia's Songbird Regine Velasquez noong December 2010. Happily married din si Michelle sa kapwa Australianong si Mark Morrow.

6 of 17

Vilma Santos and Edu Manzano

Dalawang taon lamang kasal ang Star for all Seasons na si Vilma Santos at Edu Manzano, pero nanatiling magkaibigan ang dalawang haligi ng showbiz. Sa ngayon, ine-enjoy nila ang pagiging lola at lolo sa apo nilang si Isabelle Rose, na anak ni Luis Manzano.

advertisement
7 of 17

Lotlot de Leon and Ramon Christopher Gutierrez

Mula sa pagiging patok na '80s love team, ikinasal sina Lotlot at Monching noong 1989. Nagkaroon sila ng apat na anak na sina Janine, Jessica, Diego, at Maxine. Na-annul naman ang kanilang kasal noong 2008. Noong December 2018, ikinasal si Lotlot sa Lebanese businessman Fadi El Soury.

8 of 17

Pops Fernandez and Martin Nievera

Labingpitong taong kasal sina Pops Fernandez at Martin Nievera bago sila naghiwalay. Hanggang ngayon ay magkatuwang pa rin sila sa pag-aalaga sa kanilang dalawang anak. Noong nagkasakit ang kanilang anak na si Ram noong 2021, pareho nila itong inalagaan kasama ang isa pa nilang anak na si Robin.

10 of 17

Romnick Sarmenta and Harlene Bautista

Labing-siyam na taong kasal sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista bago sila maghiwalay noong 2019. Sa isang panayam sa 24 Oras, sinabi ni Harlene na nananatili silang magkaibigan ni Romnick para sa kanilang limang anak na sina Abijah, Seki, Bo, Merel, at Yuwela. Parehong nang may bagong karelasyon ang dating mag-asawa. In a relationship si Harlene kay Federico Moreno, ang nag-iisang anak ng yumaong Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno. Samantalang may isang anak na si Romnick sa current partner niyang si Barbara Ruaro.

advertisement
13 of 17

Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Bagama't magulo ang naging paghihiwalay nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica noon, maayos na ang kanilang relasyon ngayon lalo na pagdating sa kanilang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Wala ring bad blood sa pagitan ni Kylie at ng kasalukuyang kinakasama ni Aljur na si AJ Raval, kung kanino may tatlong anak ang aktor.

15 of 17

Maggie Wilson and Victor Consunji

After 11 years of marriage, former beauty queen Maggie Wilson and real estate mogul Victor Consunji announced their separation in a statement. Despite their split, Maggie said that they will remain "good friends and partners" for their son, Connor.

16 of 17

Michelle Madrigal and Troy Woolfolk

Former actress Michelle Madrigal and American athlete-turned-fitness trainer Troy Woolfolk have separated in 2021 but there is no bad blood between the two of them. In her Instagram post, Michelle revealed that they "have remained friends and co-parents to our beautiful daughter Anika."

advertisement
17 of 17

Erin Ocampo and Michael Pangilinan

Hindi man naging maganda ang kanilang relasyon noong nagkahiwalay sila, pinatunayan nina Erin Ocampo at Michael Pangilinan na kaya pa rin nilang maging magkaibigan para sa kanilang anak na si Kiel.

18 of 17

Pokwang and Lee O'Brian

Isiniwalat ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na hiwalay na si Pokwang at partner niyang si Lee O'Brian. Gayunman, nilinaw ng comedy actress na nananatiling maayos ang relasyon nila sa isa't isa para sa kanilang anak na si Malia.

20 of 17

Jodi Sta. Maria and Pampi Lacson

Anim na taong kasal sina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson bago sila naghiwalay. Kahit karelasyon na ngayon ni Pampi si Iwa Moto, nananatiling maayos ang kanilang samahan ni Jodi. Sa katunayan, nakahanap din ng kaibigan si Jodi kay Iwa.

advertisement
21 of 17

Sunshine Cruz and Cesar Montano

Halos dalawang dekadang kasal sina Sunshine Cruz at Cesar Montano bago sila naghiwalay. Gayunpaman, pareho pa rin silang nasa buhay ng kanilang mga anak. Kapwa sila nasa 18th birthday party ng kanilang anak na si Sam.

22 of 17

Jackie Lou Blanco and Ricky Davao

Sa interview sa kaniya sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Jackie Lou Blanco na sana ay hindi na lamang sila naghiwalay ng late actor na si Ricky Davao dahil nakita niya kung paano naapektuhan ang kanilang tatlong anak na sina Kenneth, Rikki Mae, and Arabella.

Around GMA