advertisement
Showbiz News

Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'

1 of 34

Ivana Alawi 

Ang sikat na vlogger-actress na si Ivana Alawi ang pinakaunang houseguest sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

2 of 34

Phenomenal Content Queen ng Quezon City

Isa sa naging tasks ni Ivana Alawi sa loob ng iconic house ay ang pagpapanggap na isa rin siyang housemate. Nakilala siya sa Pinoy Big Brother bilang Phenomenal Content Queen ng Quezon City.

3 of 34

Mavy Legaspi

Bukod kay Ivana Alawi, isa rin sa mga unang pinapasok sa Bahay ni Kuya ang Kapuso Royal Tropa ni Kuya na si Mavy Legaspi.

advertisement
4 of 34

Five days

Limang araw nanirahan si Mavy Legaspi sa loob ng Bahay ni Kuya kasama ang celebrity housemates.

5 of 34

Gabbi Garcia 

Isa sa mga pangarap ng Kapuso star na si Gabbi Garcia mula noong siya ay bata pa ay ang makasali sa Pinoy Big Brother at makapasok sa Bahay ni Kuya. Kasalukuyan siyang napapanood bilang isa sa hosts ng bagong season ng teleserye ng totoong buhay.

6 of 34

Surprise 

Sa isang episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, labis na nasorpresa ang Kapuso It Girl ni Kuya na si Gabbi Garcia nang bigla siyang papasukin ni Kuya sa iconic house.

advertisement
7 of 34

Kim Chiu and Paulo Avelino 

Natunghayan sa isang episode ng programa ang pagbisita nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Bahay ni Kuya para makisaya sa grand opening ng paresan ng celebrity housemates.

8 of 34

KimPau  

Nagdala ng kilig at saya sina Kim Chiu at Paulo Avelino na kilala bilang KimPau sa pagpasok nila sa loob ng Bahay ni Kuya.

9 of 34

Michelle Dee 

Isa rin sa houseguests ni Kuya ay ang Sparkle star at Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee.

advertisement
10 of 34

Eviction night

Pumasok si Michelle Dee sa Bahay ni Kuya matapos ang mga kaganapan sa first eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

11 of 34

Sanya Lopez

Marami ang natuwa at kinilig nang bumisita sa Bahay ni Kuya ang isa sa Sang'gre stars na si Sanya Lopez.

12 of 34

Date

Puno ng kilig vibes ang PBB house nang isalang si Sanya sa isang dating game! Base sa mga kasagutan ng Pinoy Big Boys tungkol sa pag-ibig, pinili ng Kapuso actress kung sino ang magiging ka-date niya. Sa huli, napili ni Sanya si PBB housemate Ralph de Leon.

advertisement
13 of 34

Kim Ji Soo

Patuloy ang kilig vibes sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition nang pumasok ang Kapuso Korean oppa na si Kim Ji Soo!

14 of 34

Drama

Napasabak sa pag-arte ang PBB housemates kasama ang houseguest na si Kim Ji Soo. Una, katuwaan nilang ginaya ang mga eksena sa mga K-drama, kung saan sina Esnyr at Klarisse De Guzman ang pinalad na makaeksena ang Korean heartthrob. Hindi rin nagpahuli si Kim Ji Soo nang hamunin sila ni Kuya sa isang task: umarte gamit lamang ang Tagalog!

15 of 34

BINI

Matapos ang pangalawang eviction night at pagpasok ng dalawang huling PBB housemates, bumisita naman bilang houseguests ang BINI members na sina Jhoanna at Stacey.

advertisement
16 of 34

Kilig

Pilit pinigilan ng housemates ang kanilang tili sa tuwa nang makita sina BINI Jhoanna at BINI Stacey. Hindi napigilan ng Kapamilya housemate na si Esnyr ang kanyang fangirling at agad itong napatalon sa saya. Ang iba pang housemates naman ay hindi rin mapigilan ang kilig at nagpa-picture kasama ang P-pop stars.

17 of 34

Donny Pangilinan

Matapos ang ikatlong eviction night, naghatid naman ng saya at kilig ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan sa mga housemates bilang bagong houseguest.

18 of 34

Messenger

Itinuring na 'messenger' si Donny Pangilinan matapos ibigay sa mga housemates ang mga regalong ipinapaabot ng kanilang mga mahal sa buhay .

advertisement
19 of 34

Donny Pangilinan's furbaby

Kasunod ng pagpasok ni Donny Pangilinan sa Bahay Ni Kuya, pinapasok din dito ang kaniyang furbaby na si Crinkles.

20 of 34

Crinkles 

Isa si Crinkles sa mga talaga namang nakapagdala ng saya sa celebrity housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya.

21 of 34

David Licauco 

Ang pinakabagong houseguest sa Bahay Ni Kuya ay ang Pambansang Ginoo na si David Licauco.

advertisement
22 of 34

Workout 

Usap-usapan sa social media ang workout sessions ni David Licauco kasama ang Kapuso at Kapamilya housemates. Maraming viewers ang talaga namang napapa-react sa pagpapakita niya ng kaniyang toned body.

23 of 34

Dingdong Dantes

Ang Kapuso Primetime King at host na si Dingdong Dantes ang isa sa mga bigating houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

24 of 34

Charo Santos-Concio

Kasama ni Dingdong Dantes na pumasok sa Bahay Ni Kuya ang kaniyang co-star sa pelikulang Only We Know na si Charo Santos-Concio.

advertisement
25 of 34

The Only You Know Game

Game na game na nagpalaro sa loob ng Bahay Ni Kuya at nakipagkulitan sa celebrity housemates sina Dingdong Dantes at Charo Santos-Concio.

26 of 34

Bianca Umali

Ang Sparkle actress na si Bianca Umali ang pinakabagong houseguest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

27 of 34

Bianca Umali's mom

Sa confession room, inilahad ni Bianca Umali kay Big Brother na iniaalay niya sa kaniyang late mother, na solid na tagahanga ng Pinoy Big Brother, ang pagpasok niya sa Bahay Ni Kuya.

advertisement
28 of 34

Jane de Leon

Bago lumabas ng Bahay Ni Kuya ang Kapuso houseguest na si Bianca Umali, nakilala rin niya sa iconic house ang Kapamilya star na si Jane de Leon.

29 of 34

Heart Evangelista 

Labis na nasorpresa ang housemates sa pagbisita ng A-list Kapuso star at fashion icon na si Heart Evangelista sa Bahay Ni Kuya.

30 of 34

Barbie Forteza 

Isang umaga, nagulat ang Kapuso at Kapamilya housemates nang biglang pumasok ni Barbie Forteza sa kanilang rooms sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Pinangunahan ni Barbie ang workout session nila sa garden area.

advertisement
31 of 34

Maris Racal

Kapamilya star Maris Racal has returned to the famed Pinoy Big Brother house, as shown in one of the more recent posts on the Pinoy Big Brother Facebook page. In the caption to the post, Maris was described as the “Singing Sunshine ng Davao”. Maris was previously a housemate on the 2014 edition of the show, Pinoy Big Brother: All In.

32 of 34

Vice Ganda 

Gulat na gulat ang PBB Celebrity Collab Edition housemates na sina Ralph De Leon, Will Ashley, Charlie Fleming, Esnyr, Dustin Yu, Bianca De Vera, AZ Martinez, River Joseph, Brent Manalo, at Mika Salamanca sa pagbisita ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Bahay Ni Kuya.

33 of 34

Jessica Soho

Ang Kapuso journalist na si Jessica Soho ang pinakahuling pumasok sa Bahay Ni Kuya bilang houseguest.

advertisement
34 of 34

For Big Four Duos

Matatandaang bago naganap ang PBB Collab The Big Night, masayang ipinagluto ni Jessica Soho ng sopas ang Big Four Duos.

Around GMA