advertisement
Showbiz News

Celebrity moms na tatakbo sa election 2025

1 of 12

Vilma Santos-Recto

Kung papalarin sa susunod na taon muling magsisilbi bilang gobernadora ng Batangas si Ate Vilma. Ang tinaguriang "Star for All Seasons" ang kauna-unahang babaeng governor ng probinsiya nang mahalal noong 2007.

2 of 12

Lani Mercado

Susubukang muli ng asawa ni incumbent Senator Bong Revilla na si Lani Mercado-Revilla na makuha ang boto ng mga kababayan niya sa second district ng Cavite sa 2025 elections.

3 of 12

Lucy Torres-Gomez

Nakausporta ang buong pamilya ni Lucy Torres-Gomez nang maghain siya ng certificate of candidacy (COC) para sa muli niyang pagtakbo bilang Ormoc City mayor. Kasama niya ang asawa niyang si Leyte representative Richard Gomez at ang nag-iisa nilang anak na si Juliana.

advertisement
4 of 12

Abby Viduya

Lalaban ang misis ni city councilor Jomari Yllana na si Abby Viduya para maging kinatawan ng first district ng Parañaque City sa konseho.

Si Abby, na ang dating screen name ay si Priscilla Almeda, ay ikinasal kay Jomari sa US noong November 2023. Siya ay may dalawang anak na babae sa dati niyang relasyon.

5 of 12

Angelu de Leon

Sa 2025 elections, muling tatakbo si Angelu bilang city councilor sa Pasig City.

Happily married ang 'Pulang Araw' actress na si Angelu de Leon sa mister niyang si Wowie Rivera. May anak silang lalaki na ang pangalan ay Rafa. Samantala, si Nicole ay anak naman siya sa dating karelasyon na si Joko Diaz at si Louise naman ay supling niya kay Jojo Manlongat.

6 of 12

Marjorie Barretto

Nagbabalik-pulitika ang aktres na si Marjorie Barretto, na tatakbo sa mid-term elections para maging city councilor ng second district ng Caloocan. Dati nang nagsilbi sa parehong konseho ng s siyudad ang nanay ni Julia Barretto.

Bukod kay Julia, may apat pa na anak si Marjorie na sina Dani, Claudia, Leon, at Erich.

advertisement
7 of 12

Jaycee Parker

Kahit busy sa pag-aalaga ng kaniyang twins ang former Viva Hot Babe na si Jaycee Parker (o JC Parker), nais muli nitong maglingkod bilang city councilor sa Angeles City, Pampanga.. Isinilang ni Jaycee sina Celeste at Celina noong March 2024. Samantala, ang mister niya na si Jericho Aguas may anak na lalaki na si Hubert sa yumaong aktres na si Isabel Granada.

8 of 12

Nora Aunor

Second nominee si “Superstar” Nora Aunor ng People's Champ Party-List para sa eleksyon 2025. May limang anak ang award-winning showbiz icon sa dating karelasyon na si Christopher de Leon na sina Lotlot de Leon, Ian de Leon, Kiko Villamayor, Kenneth Villamayor, at Matet de Leon.

9 of 12

Aiko Melendez

Nais ni Aiko Melendez na muling makapagsilbi sa mga mamamayan ng fifth district ng Quezon City, kaya pormal siyang naghain ng COC para sa pagtakbo bilang konsehala sa siyudad.

Ang celebrity mom ay may dalawang anak na sina Andre at Marthena.

advertisement
10 of 12

Shamcey Supsup

Mula sa mundo ng pagandahan, susubukan naman ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup na manalo sa city council. Pormal na naghain ang dating Miss Universe Philippines national director ng kaniyang certificate of candidacy para sa pagtakbo sa konseho ng Pasig City. May dalawang anak na si Shamcey sa kaniyang mister na si Lloyd Lee.

11 of 12

Ara Mina

Tatakbo rin ang dating 'Bubble Gang' star na si Ara Mina para konsehal sa 2nd District ng Pasig city. Meron anak si Ara sa dating partner na si Bulakan, Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses na pinangalanan nila na Amanda Gabrielle.

12 of 12

Cai Cortez

Mula sa pagiging parte ng isang political serye sa TV na 'First Yaya' at 'First Lady', ngayon in real-life na pagpasok sa pulitika ng showbiz mom na si Cai Cortez. Tatakbo si Cai sa 2025 elections bilang councilor sa Taytay, Rizal.

advertisement

Around GMA