Celebrity special guests sa 'Magpasikat 2024' ng 'It's Showtime'

GMA Logo Celebrity special guests sa 'Magpasikat 2024'
photo by: officialsb19 IG, chrisronanphotography IG, nianaguerrero IG, michelledee IG

Photo Inside Page


Photos

Celebrity special guests sa 'Magpasikat 2024'



Puno ng excitement, emosyon, at aral ang "Magpasikat 2024" week ng fun noontime program na It's Showtime.


Iba't ibang performances ang natunghayan ng madlang Kapuso, kung saan nagkaroon ng kantahan, sayawan, drama, at pati buwis-buhay na stunts. Ngunit sa kabila ng aliw nito, ang performances na ihinandog ng mga host ay may makabuluhang mensahe.

Sa team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang, pag-asa ang kanilang ipinaalala sa madlang Kapuso.

Samantala, sa performance nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, MC, at Lassy, nagbitaw sila ng paalala na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, mahalagang tumigil, huminga, at kumalma.


Madamdaming performance naman ang ihinandog ng team nina Vhong Navarro, Amy Perez, Darren Espanto, at Ion Perez tungkol sa sakripisyo at pagmamahal sa isang pamilya.

Ang team naman nina Anne Curtis, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz ay puno ng nostalgia sa kanilang performance nang binalikan nila ang kanilang core memory sa It's Showtime.

Sa huli araw ng "Magpasikat" week, nagsilbing adbokasiya naman ng mental health awareness ang performance nina Jhong Hilario, Jacki Gonzaga, at Cianne Dominguez.

Samantala, maliban sa It's Showtime family, nagpakitang gilas din araw-araw ang kanilang special guests sa entablado. Mula sa kilalang P-pop groups gaya ng SB19 at BINI hanggang sa Kapuso stars na sina Michelle Dee at Rochelle Pangilinan, todo performance ang ibinigay nila na nagpasigla sa "Magpasikat" celebration.





Kilalanin sino-sinong guest performers ang sumali sa 'Magpasikat 2024,' dito:


SB19
Carlos Yulo
Awra
Morissette
Raul Dillo
BINI
Niana Guerrero
Rochelle Pangilinan
Kokoy De Santos
Kylie Versoza
Michelle Dee
Maxene Magalona
Jed Madela
Sofia Andres
Louise Delos Reyes
Sarina

Around GMA

Around GMA

PNP to deploy over 70,000 cops for Simbang Gabi 2025
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'