Puno ng excitement, emosyon, at aral ang "Magpasikat 2024" week ng fun noontime program na It's Showtime.
Iba't ibang performances ang natunghayan ng madlang Kapuso, kung saan nagkaroon ng kantahan, sayawan, drama, at pati buwis-buhay na stunts. Ngunit sa kabila ng aliw nito, ang performances na ihinandog ng mga host ay may makabuluhang mensahe.
Sa team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang, pag-asa ang kanilang ipinaalala sa madlang Kapuso.
Samantala, sa performance nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, MC, at Lassy, nagbitaw sila ng paalala na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, mahalagang tumigil, huminga, at kumalma.
Madamdaming performance naman ang ihinandog ng team nina Vhong Navarro, Amy Perez, Darren Espanto, at Ion Perez tungkol sa sakripisyo at pagmamahal sa isang pamilya.
Ang team naman nina Anne Curtis, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz ay puno ng nostalgia sa kanilang performance nang binalikan nila ang kanilang core memory sa It's Showtime.
Sa huli araw ng "Magpasikat" week, nagsilbing adbokasiya naman ng mental health awareness ang performance nina Jhong Hilario, Jacki Gonzaga, at Cianne Dominguez.
Samantala, maliban sa It's Showtime family, nagpakitang gilas din araw-araw ang kanilang special guests sa entablado. Mula sa kilalang P-pop groups gaya ng SB19 at BINI hanggang sa Kapuso stars na sina Michelle Dee at Rochelle Pangilinan, todo performance ang ibinigay nila na nagpasigla sa "Magpasikat" celebration.
Kilalanin sino-sinong guest performers ang sumali sa 'Magpasikat 2024,' dito:
Sa performance ng team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang, nasorpresa ang madlang Kapuso nang pumasok sa stage ang Kings of P-pop na SB19. Ayon sa Unkabogable Star, very dedicated ang boy group sa kanilang pagsali sa "Magpasikat" dahil sila mismo ang boluntaryong nagbago ng kanilang kantang "Liham" upang umayon sa tema ng kanilang performance na pag-asa.
Kasama rin sa team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. Para sa gymnast, labis ang kanyang pasasalamat sa It's Showtime family na mapasali sa kanilang performance. “Maraming, maraming salamat po sa opportunity po na napa-experience n'yo po sa akin 'yung ganitong moment. Thank you so much po. Ikaw po 'to lahat, Lord, ikaw po 'to lahat. Maraming, maraming salamat po,” aniya.
Naging emosyonal naman ang comedian na si Awra Briguela nang makasali sa "Magpasikat" team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang. Dahil sa tapang at responsibilidad na ipinakita ni Awra sa mga isyu na kanyang pinagdaanan, proud si Vice sa kanya at naniniwala na isa rin siyang ehemplo ng pag-asa.
Madamdaming awitin ang ihinandog ng Filipina singer na si Morissette sa "Magpasikat 2024." Ang kanyang performance ay nagdagdag ng bigating emosyon sa performance ni Kim Chiu habang ginagawa nito ang kanyang trapeze stunt.
Dream come true para sa dating actor na si Raul Dillo ang makabalik sa stage at magbigay ng aliw sa madlang people. Kuwento ni Vhong Navarro, sinama niya ang aktor sa kanilang team nang malaman niyang nami-miss na nito ang pag-arte at pag-perform.
Marami ang nagulat nang sumali sa stage ang kilalang P-pop girl group na BINI kasama ang team nina Anne Curtis, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz. Inawit ng eight-member ensemble ang kanilang kanta na “I Feel Good,” at nakisaya pa sa kantahan at sayawan kasama ang iba pang performers.
Labis ang tuwa ng madlang Kapuso nang nakisayaw sa "Magpasikat" stage ang kilalang content creator at dancer na si Niana Guerrero. Marami ang humanga sa kanyang dance moves, kasama ang dancer at It's Showtime host na si Jhong Hilario.
Humataw rin sa dance floor ang Sexbomb dancer at Pulang Araw star na si Rochelle Pangilinan. Maraming online netizens ang namangha sa kanyang dance moves, na tila wala pa ring kupas ang kanyang talento sa pagsasayaw.
Bilang selebrasyon ng kanilang unang "Magpasikat" kasama ang GMA Network, inimbitahan ng team nina Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez ang Kapuso star at Running Man Philippines 2 ultimate runner na si Kokoy De Santos. Kakaibang performance ang ihinandog ng aktor kasama si Jackie, kung saan madamdaming aktingan at aerial dance stunt ang kanilang ipinamalas.
Nagsilbing adbokasiya nina Jhong Hilario, Jacki Gonzaga, at Cianne Dominguez sa "Magpasikat 2024" performance ang mental health. Isa sa kanilang inimbitahang celebrity advocate ay ang Filipina aktres na si Kylie Verzosa.
Kasama rin sa special guests ng Team Friday ang Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee. Bilang active advocate, nag-iwan siya ng mensahe para sa madlang people: "I hope you know that seeking for help is not the sign of weakness but it's a sign of ultimate strength because kakayanin natin ang lahat basta alam n'yo na hindi kayo nag-iisa at laging may nakahanda na tumulong sa inyo."
Marami ang nagulat nang sumama sa special guests ang Filipina actress na si Maxene Magalona. Nakasama siya dahil isa siya sa mga artista na humarap sa mga pagsubok kaugnay ng mental health.
Isa rin si Jed Madela sa mga naging special guest ng team nina Jhong Hilario, Jacki Gonzaga, at Cianne Dominguez sa "Magpasikat 2024." Kasama niya ang mga advocates at celebrities na sina Michelle Dee, Maxene Magalona, Kylie Verzosa, at marami pang iba.
Lumabas din sa stage ang Filipina actress at model na si Sofia Andres kasama ang iba pang celebrity mental health advocates sa "Magpasikat" performance nina Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez. Nagsilbing simbolo at paalala ito sa mga madlang Kapuso tungkol sa kahalagahan ng pag-aalaga sa mental health.
Kasama rin sa celebrity advocates ang Filipina aktres na si Louise Delos Reyes. Sa huli ng kanilang performance, isinuot niya ang green scarf kay Michelle Dee bilang simbolo ng kanilang adbokasiya na "I care for your mental health."
Sa kabila ng madamdaming performances, marami ang natuwa nang makita ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina. Sumayaw siya kasama ang kanyang ama at nagbigay ng saya sa performance nina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.