Celebrity Titos and their pamangkins in showbiz

Hindi na bago sa showbiz industry ang pagkakaroon ng maraming artista na magkakamag-anak. Pero marami pa rin ang nasosorpresa sa tuwing nalalaman ang relasyon ng mga artistang ito sa isa't isa.
Kung sa iba ay itinuturing na mas mabilis na “access” sa showbiz ang pagkakaroon ng kamag-anak sa industriya, marami rin ang ginagawang inspirasyon ang kanilang celebrity relative na gumawa ng sarili nilang pangalan sa entertainment.
Narito ang ilan sa mga kilalang celebrity tito at kanilang mga pamangkin sa showbiz.









