Tunay nga na umaapaw ang pagmamahalan ngayong 2025 dahil sunod-sunod ang mga nagaganap na kasalan ng ating paboritong celebrities.
Mula sa church wedding at garden wedding, pinatunayan ng mga celebrities na sila ay love story goals.
Hindi din nagpahuli ang ilang celebrities sa pagpapakilig, dahil pinatibay pa nila ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng renewal of wedding vows.
Silipin dito ang mga celebrities na tuluyan nang nag "I do" ngayong 2025:
Ikinasal ang former child star na si Krystal Reyes sa kaniyang long-time boyfriend na si Lawrence Dela Cruz noong February 11 sa Saint Gabriel the Archangel Parish Church, sa Caloocan City.
Ikinasal ang volleyball star na si Michele Gumabao sa kaniyang long-time boyfriend na si Aldo Panlilio sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City noong February 25. Muling pinagtibay ng dalawa ang kanilang pagmamahalan sa ikalawang kasal na ginanap sa Baguio noong March.
Noong March 7, muling nagpalitan ng pangako ng pag-ibig ang vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at dating aktres na si Neri Naig sa isang garden wedding bilang pagdiriwang ng kanilang 10th wedding anniversary.
Nagpakasal ang former child actor na si Bugoy Cariño at volleyball player na si EJ Laure sa St. John Marie Vianney Church sa Silang, Cavite noong March 10.
Ipinagdiwang nina Patrick Garcia at ng kaniyang asawang si Nikka Martinez ang kanilang 10th anniversary sa pamamagitan ng pag-renew ng kanilang wedding vows. Ikinasal silang muli sa Boracay, kasama ang kanilang mga anak, pati na rin ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan noong March.
Ikinasal ang anak ni Marjorie Barretto na si Claudia Barretto sa kaniyang long-time boyfriend na si Basti Lorenzo noong April 9. Ginanap ang kanilang wedding reception sa Lakehall ng Nena's Sanctuary sa Santa Rosa, Laguna.
Ikinasal ang content creator na si Kristel Fulgar at ang kaniyang South Korean boyfriend na si Lee Su Hyuk noong May 10. Ginanap ang kanilang romantic wedding ceremony sa Luna Miele sa Seoul, South Korea.
Nag-renew ng wedding vows ang Mga Batang Riles star na si Diana Zubiri at ang kaniyang asawang si Andrew Smith noong May 11 sa isang intimate wedding ceremony.
Muling nagpalitan ng "I do" sina Isabel Oli at John Prats nitong May 19 bilang selebrasyon ng kanilang 10th wedding anniversary sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas.
Noong May 29, ginanap ang garden wedding nina Leila Alcasid, anak nina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren, at ng Filipino musician na si Mito Fabie o mas kilala bilang Curtismith.
Ikinasal ang content creator na si Zeinab Harake at basketball star na si Bobby Ray Parks Jr. sa isang engrande ngunit intimate na Christian wedding na ginanap sa Crystal Palace of Aquila in the Sky sa Tagaytay City noong June 1.
Opisyal nang ikinasal ang beauty queen na si Diana Mackey at basketball star na si Kiefer Ravena nitong June 11, sa St. Michael the Archangel Parish sa Bonifacio Global City, Taguig.
Kunars ties the knot! Nakamit ni Nurse Even ( o John Steven Soriano) ang kaniyang happy ever after nang pakasalan ang boyfriend na si Paul sa United Kingdom.
Ibinahagi ni Kunars ang ilang kuha sa kaniyang intimate wedding ceremony sa post niya sa Facebook noong August 7 kung saan dumalo pati ang mga magulang niya at kapwa content creator na si Doc Alvin Francisco.
Noong Abril ng parehong taon, inanunsyo ni Nurse Even sa publiko na engaged na siya kay Paul na boyfriend niya for five years.
Pagkatapos ng 12 na taon, ikinasal na ang Unang Hirit host na si Shaira De Guzman kay EA Guzman sa St. Benedict Parish, Westgrove Heights, sa Silang, Cavite, noong Huwebes, August 14, 2025.
Natuwa ang netizens sa kanilang wedding vows, na nagpakita kung gaano katibay ang kanilang relasyon, lalo na ang paghihintay ni EA para kay Shaira.
Gian Magdangal and Lara Maigue got married last October 8 at the Sacred Heart of Jesus Parish in Muntinlupa City.
Sparkle beauty queen Beatrice Luigi Gomez tied the knot with DJ John Odin in La Union in October.
In October 2025, Sparkle actress Sophia Senoron surprised her fans and followers with the announcement that she had married Abed Yusop a year ago at Conrad Bali in Indonesia.
Kapuso reporter Mav Gonzales tied the knot with Matthew Valeña in an intimate wedding ceremony in Seattle.
In an Instagram post, former beauty queen Samantha Lo shared a reel announcing that she and her longtime partner, Jannica Rubin, have tied the knot in the United States after nine years of dating.
Just days after announcing their engagement, Loisa Andalio and Ronnie Alonte surprised fans with a reveal of their wedding photos. “Zup! Mrs. Alonte,” the Kapamilya actor wrote on Instagram.
Former child star Kiray Celis has officially tied the knot with her longtime non-showbiz boyfriend, Stephan Estopia, on December 13 in Pasay City. The wedding was a star-studded event attended by Marian Rivera, Dingdong Dantes, Eugene Domingo, Isko Moreno, Xyriel Manabat, Enchong Dee, and many more.
South Korean stars Shin Min Ah and Kim Woo Bin got married on December 20, as confirmed by their agency, AM Entertainment. According to the agency, the wedding was held in Seoul with only their families, relatives, and close friends in attendance.
Kapuso actress Carla Abellana put an end to her soft launches as she finally revealed the mystery man on her Instagram, sharing a photo from her wedding with non-showbiz fiancé, Dr. Reginald Santos. The couple tied the knot on December 27 in Tagaytay City.