Bukod sa mga Kabataang Pinoy housemates, tampok din sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ang celebrities na bumisita sa Bahay Ni Kuya.
Ilan sa mga nabanggit ay ang ilang Kapuso at Kapamilya stars, gaya nina Will Ashley, Dustin Yu, Bianca De Vera, Miguel Tanfelix, Nadine Lustre, Vice Ganda, at iba pa.
Kilalanin ang celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 sa gallery na ito.
Si Ruru Madrid ang pinakaunang Kapuso houseguest sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Isa ang ex-housemate na si Esnyr sa mga Kapamilya houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Naging memorable para kay Shuvee Etrata ang muli niyang pagpasok sa Bahay Ni Kuya. Kung dati ay naroon siya bilang housemate, sa edisyong ito ay pumasok siya bilang isang houseguest.
Sa edisyong ito, dalawang beses na bumisita sa Bahay Ni Kuya ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ex-housemates na sina Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu.
Sabay na bumisita sa Bahay Ni Kuya ang Kapamilya actors na sina Joshua Garcia at Piolo Pascual. Kabilang sa mga kinilig sa kanilang pagbisita ay sina Ashley Sarmiento at Princess Aliyah.
Labis na ikinatuwa ng girl housemates ang pagpasok ng Star Magic artist na si Belle Mariano sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Magkasamang nanggulat sa loob ng Bahay Ni Kuya sina Francine Diaz at Seth Fedelin.
Lubos na naging makabuluhan ang pagbisita ni Vice Ganda sa Bahay ni Kuya. Noong pumasok siya rito, siya ang naging daan kaya nakausap ng housemates ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng phone call.
Sa pagbisita ng Sparkle actor na si Miguel Tanfelix sa Bahay Ni Kuya, game na game siyang nakisayaw sa mga Kabataang Pinoy housemates. Dito ay naka-showdown pa niya ang kapangalan niyang si Miguel Vergara.
Nakatanggap ng payo tungkol sa showbiz career ang mga Kabataang Pinoy housemates mula sa kanilang bisita na si Nadine Lustre.