CEO ng ice cream company, matigas ang puso sa 'Regal Studio Presents: Frozen Heart'

Kasing tamis ng ice cream ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Frozen Heart," may matigas na puso ang CEO ng isang ice cream company.
Malamig ang pakikitungo ni Queenie sa kanyang mga empleyado dahil sa kanyang "brokenhearted syndrome." Malalagay ang buhay niya sa panganib kung makaramdam siya ng matinding emosyon tulad ng heartbreak.
Bagong empleyado niya ang gwapo at charming na si Randolf (Rob Gomez) na hindi masisindak sa pagiging terror boss niya.
Mapapalambot ba ni Randolf ang matigas at malamig na puso ni Queenie?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Frozen Heart," July 20, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






