Chariz Solomon on her annulment with ex-husband: 'Naggi-grieve pa rin ako'

Source: niceprintphoto (IG) and smartparenting (IG)

Photo Inside Page


Photos

chariz solomon



Sa kabila ng saya na dala ng comedienne na si Chariz Solomon at magandang relasyon sa partner na si Vince Teotico, aminado ang aktres na grieving pa rin siya sa annulment nila ng unang asawa na si Nestor Ng.

Matatandaan na ikinasal sina Chariz at Nestor noong 2012, at nabiyayaan ng dalawang anak. Ngunit noong 2018 ay naghiwalay sila. Nitong January 2025 ay na-grant na ang annulment nilang dalawa.

Sa pagbisita ng aktres kasama ang co-star na si Liezel Lopez sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, April 14, ipinaliwanag ni Chariz, "Actually, Tito Boy, naggi-grieve pa rin ako kasi, siyempre, pamilya ko rin siya, e, at hindi magbabago 'yun. Ang dami pong huge part of my life, almost half of my life, siya 'yung kasama ko talaga,” sabi ng Samahan ng mga Makasalanan actress

Ayon pa sa aktres, dahil lumaki siyang wala ang kaniyang mga magulang, kay Nestor na siya “lumaki” at ito ang naging sandigan niya noon. Aniya, ang dating asawa ang sumasama sa kanya noon sa StarStruck at tumutulong makumpleto ang ilang requirements ng artista search.

“He supports me, I support him. Siya talaga 'yung pinaka sandigan ko lang talaga na meron ako before,” sabi ng Bubble Gang star.

Related Gallery: Chariz Solomon and Liezel Lopez tell their 'greatest sin' in love

Kwento pa ni Chariz , si Nestor ang nagturo sa kaniya ng mga bagay na kailangan niya sa buhay, kabilang na ang pagda-drive at magbukas ng account sa bangko. Dagdag pa ni Chariz ay ito rin ang nagpatapang sa kaniya bilang tao.

“Talagang sa kaniya na ako lumaki. So hindi talaga siya easy for me, at saka ano naman siya e, mabait siyang tao. Ganu'n lang po talaga, sometimes, people grow apart. Hanggang ngayon po, hindi ko pa rin po maintindihan. Pero of course, I accept it and may mga bagay lang talaga na kailangan mangyari, hindi sinasadya, pero it will happen and you can't stop it,” sabi ng aktres.

Nilinaw naman ni Chariz na hindi naging problema ito sa kaniyang current partner na si Vince. Sa katunayan, may mga pagkakataon pa nga na umiiyak siya dito lalo na noong na-grant ang kanilang annulment.

Sinabi rin ng komedyante na okay naman na sila ngayon ni Nestor at okay din silang magkasama, lalo na sa birthday ng kanilang mga anak. Dagdag pa ni Chariz, meron ding relationship ang kanilang anak sa pamilya ng kanilang ama.

“We're very okay, mas naging sa mga party, sa children's parties namin, pwede na kami together, magkasama, so masaya ako. And lahat po ng mga tao sa buhay niya, ng daddy nila, nakakausap nila din. We're very okay and I thank God for that every day,” pagtatapos ni Chariz.

Samantala tingnan ang ilang celebrities na nauwi rin sa annulment ang pagpapakasal:


Kristine & Diet
March 2006
Miriam Quiambao
Second chance
Carmina & Rustom Padilla
2002
Jackie & Benjie
Annulled in 2003
Maricar & Don
Filed for annulment
Merryl & Bernard
2015
Amy Perez & Brix Ferraris
Wedding
Dina & Vic Sotto
1992
Dennis & Marjorie
2009
Martin & Pops
2000
Dayanara Torres
Divorce
Montano couple
Sunshine Cruz
Former Navarro couple
July 2008
Ciara Sotto
Joe Oconer
Norman Bustos
12 years
Samantha Lopez
Rey and Rea
Carla five years old
Kathleen Hermosa
TomCar
TomCar divorce
Gina and Michael
Katya Santos
Katya Santos engagement
Max Collins and Pancho Magno
Max divorce
Jodi and Pampi
Pampi & Iwa
Zsazsa and Modesto
Zsazsa and Dolphy
Aiai and Gerald
Aiai divorce

Around GMA

Around GMA

Remains of ex-DPWH Sec. Cabral brought to Manila
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity