Childhood friends, reunited sa bookshop sa 'Regal Studio Presents: Dating Mr Heartthrob'

Para sa bookworms ang bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Dating Mr. Heartthrob," kuwento ito ng isang bookshop employee at ng childhood friend na crush niya noon pa.
Habang nagpapahinga mula sa kanyang busy schedule bilang artista, mapapadpad si Loewen sa isang lumang bookshop kung saan nagtatrabaho si April.
Magkababata sina April at Loewen at babalikan nila ang kanilang childhood memories sa kanilang unexpected reunion.
Pero sa muli nilang pagkikita, maibabalik din ang dati nilang feelings para sa isa't isa.
Maitutuloy na ba nila ang kanilang love story o mauudlot ba ito ulit sa pagbabalik ni Loewen sa kanyang celebrity life?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Dating Mr. Heartthrob," March 15, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






