Childhood photos ng 'Eat Bulaga' hosts, kinagiliwan online

Kinagigiliwan ngayon online ang ilang childhood photos ng Eat Bulaga hosts na naka-post ngayon sa Facebook page ng TAPE Inc..
Dahil Thursday throwback ang July 13 episode kahapon ng programa, ibinahagi ng hosts ang kanilang cute na cute na mga larawan mula sa kanilang pagkabata.
Pero kung sa iba ay mahuhulaan agad kung sinong host ang nasa picture, may ilan ding aabutin ka ng ilang minuto bago matukoy dahil sa kanilang major glow-up.









