Fast Talk with Boy Abunda
Chot Reyes explains why sports teams train at the beach

Naging palaisipan sa marami, lalo na sa mga magulang ng pumanaw na student-athletes ng Ateneo de Manila University na sina Rene Baterbonia at Divine Adili, ang isinagawang beach training activity sa Dipaculao, Aurora. Ito ang naging dahilan ng pagkalunod ng dalawang binatang atleta noong June 8.
Maraming spekulasyon ang lumabas tungkol sa kung ano ang nangyari sa kanila, at mayroon ding mga nagtanong kung ano ang ginagawa ng mga basketball player sa tabing-dagat.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 24, nagbigay ang kilalang basketball coach na si Chot Reyes ng kaunting kaalaman kung bakit ginagawa ng mga atleta ang beach training. Alamin dito:









