Christian Bautista shares why Jillian Ward is a great fit for 'The Clash Teens'

Ngayong Linggo ay mapapanood na ang umpisa ng The Clash Teens kung saan makikilala ang Teen Clashers na sasabak sa kompetisyon at ang pinakabagong panel of judges na kinabibilangan nina Christian Bautista, Jillian Ward, at ni BGYO member JL Toreliza.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong June 4, inamin ni Jillian na labis ang kaba niya dahil ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na magsisilbi siyang hurado para sa isang contest.
Ngunit kahit ganoon, puspusan ang naging paghahanda ng Star of the New Gen, “I made sure din po na nag-singing lessons ako, nagre-research ako, and ever since po talaga bata ako, mahilig na po ako sa halos lahat ng genre ng music so grabe po ako mag-research.”
Samantala, ibinahagi naman ni Christian kung bakit sa tingin niya ay great fit si Jillian bilang isa sa mga pinakabagong judges ng singing competition. Alamin ang naging pahayag ng Asia's Romantic Balladeer dito:









