Christian Vazquez at Kimson Tan, 'trabaho lang' ang kanilang daring roles

Pinag-usapan ng Lovers & Liars stars na sina Christian Vazquez at Kimson Tan ang kanilang challenges bilang mga artista sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, February 8.
Kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, nagkwentuhan ang tatlo habang binabalikan nila ang kanilang karanasan noong baguhan pa lamang sila sa showbiz. Nabanggit din nila kung gaano sila na-insecure at nahirapan noon sa pagsasalita ng Tagalog bilang isang Chinoy, Ilocano, at Bisaya.
Kwinento rin ng dalawang artista kung paano nila propesyonal itrato ang kanilang mga daring roles sa kanilang palabas.
Alamin ang buong detalye ng panayam nina Christian Vazquez at Kimson Tan sa gallery na ito:









