“Minsan na lang nga ako mabalita ganito pa!”
Christine Li laughed off a rumor linking her to businessman-politician Chavit Singson.
In a four-minute video, the actress denied that she was the girl on a viral video holding hands with Singson.
She also called out a news report that used her photo to allegedly identify the “mystery girl” of Chavit.
“That's me on the upper right corner of the photo,” Christine said.
She quickly added: “You got the wrong girl.
“That's not me on the video but they're claiming that I am the girlfriend of Chavit Singson.
I have never met Chavit Singson in my life.”
In connection to this issue, Christine sought help from Chavit's son, whom she personally know.
Based on their exchange of private messages, which she showed in the video, Chavit's son apologized to her and said, “Nadamay ka pa.”
She also stressed, “So I'm just a victim here. Victim na po ako ng fake news.”
On the same post, Christine reminded the public to be more discerning about what they see online.
She explained, “Huwag tayong nagpapaniwala sa mga nakikita natin online. It could hurt somebody's reputation. It could hurt their career. It could hurt their mental health. So, please stop spreading misinformation about people.
“Kasi not everything that you see on the internet is real, okay? Some people are just making up sh** to earn money from them. To milk money out of people. Out of innocent people.
“I'm not guilty of this but I don't wanna go out in public right now and people are gonna start laughing at me. People are gonna start talking sh** behind my back. Talking sh** in my face.
Because of what they've seen on the internet.
“And I can't even defend myself. Because it's been posted anonymously. It's so unfair, you guys. So let's be responsible.”
Chrstine also urges people to “bring back the positive of social media.”
“It used to be this platform where we can endorse and can build our businesses. Where we can connect and find communities here. It's getting toxic that we all have to talk about is chismis. Ka-cheap-an!
“Nakakafrustrate lang po na palagi na lang chismis ba? Hindi na ba tayo pwedeng magtulungan? Makapaghanap ng opportunities para sa isa't isa? It used to be like that, eh.
Wala ng substance. And innocent people are getting hurt. It could potentially ruin their relationships. It could potentially hurt their personal lives or their mental health. So let's stop spreading fake news and misinformation about people.”
To further clear her name on this issue, Christine has also reached out to her management and talked to a lawyer.
At the end of her video, she reiterated, “Let's stop this. Let's be responsible and let's fact-check. Ugaliin natin mag-fact-check before tayong mag-repost na kung ano-ano.”
Meanwhile, these celebrities were once targeted by fake pregnancy news. Check out their reactions here:
aagap ang tugon ni Miss World Second Princess 1993 Ruffa Gutierrez nang malaman na may naglipanang tsismis online na siya ay buntis sa anak nila ng BF na si Herbert Bautista.
Ayon sa actress-beauty queen, “I wasn't going to dignify this with an answer but everywhere I go, people are congratulating me.
“So here it is: FAKE NEWS!” ang simpleng sagot ni Ruffa sa mga naniniwalang magkaka-baby uli siya.
May dalawa siyang anak sa dating asawa na si Yilmaz Bektas na sina Lorin at Venice.
Habang nasa South Korea si Shaina Magdayao noong October 2023 para sa 28th Busan International Film Festival, naglabas siya ng pahayag sa Instagram para tapusin ang isyu na buntis siya.
Post noon ng Kapamilya actress sa Instagram Story: “Soooo… Been getting messages from family and friends for days now about some FAKE news that's going around back home!
"My goodness, I am nooooot pregnant, people!"
Dagdag niya, "Will never deny if I were since I'm already of age noh!”
Naloka si Barbie Imperial nang makita sa Facebook page ng isang showbiz blog na umamin daw siya kay King of Talk Boy Abunda na buntis siya.
Hiling ni Barbie nang mag-react siya sa personal FB page niya sa publiko, “This page is posting lies and things that I never said. Please report.
“Report Showbizfinds Mga oragon patabang pls.”
Ang actress-politician na si Angelika dela Cruz ang dumpensa para sa nakababatang kapatid na si Mika dela Cruz tungkol sa naglipanang tsismis sa internet na buntis diumano ito.
Pahayag ni Angelika, “My sister is not pregnant. Please make sure to verify before posting. Thank you."
"How I wish it were true... Mika Dela Cruz, please give us a baby girl. We don't have one in the family yet."
Ikinasal si Mika kay Nash Aguas sa Tagaytay noong May 2024.
Nagsimulang pag-usapan ang diumano pagbubuntis ni Maine Mendoza noong July 2024 dahil hindi ito napanood sa kanyang noontime show.
Ito rin ang buwan kung kailan nila ipinagdiriwang ng mister na si Arjo Atayde ang kanilang first wedding-anniversary.
Sa statement na ibinigay ni Arjo sa Philippine Daily Inquirer, pinasinungalingan ng actor-turned-politician ang tsismis.
Aniya, “Hindi (No) po, we went on a vacation for our first wedding anniversary.”
Gulat ang naramdaman ng 'Encantadia' star na si Kylie Padilla nang malaman niya na may isyu na nabuntis siya ni Gerald Anderson.
Noong 2022, nagkasama sina Kylie at Gerald sa tpelikulang “Unravel: A Swiss Side Love Story” na kinunan sa Switzerland.
Sambit niya sa isang interview, "Sobrang layo sa katotohanan. Nama-mind f*** ako. Parang… 'Ha? Paano nangyari yun?'"
"Nag-usap kami ng handler ko. You know, we talked about it kung kailangan ba namin magsalita o hindi.
"Pero out of this world na kasi yung iba. Parang hindi ko na kailangan magsalita,”
Diretsahang sinagot ni Miss World 2013 Megan Young sa TikTok nang may nagtanong na netizen kung magkaka-baby na sila ng mister na si Mikael Daez. Sa isang post ni Megan sa kanyang account na @madambonez, simple ang sagot niya na “hindi po” at kasunod nito ang isang smiling emoji.
Noong December 2024, masayang inanunsyo ng Kapuso couple na makikilala na nila ang kanilang first baby.
Mariin pinabulaanan ni Jackie Gonzaga sa ginawa niya pagli-live sa TikTok ang nakakabahalang isyu na nabuntis siya ni Ion Perez.
Si Ion ang long-time partner ng Unkabogable Star Vice Ganda na nakakasama nila pareho sa 'It's Showtime.'
Base sa pahayag ni Jackie, sinisi niya ang mga troll na nagkakalat ng maling impormasyon.
"Adik ba kayo? Tigilan n'yo bisyo n'yo, ah. At saka 'yung mga trolls din naman, ano-ano pinag... for the views kasi. Siguro kumikita sila doon so, wala doon sila kikita. Ganoon talaga, grind nila iyon. Issue nila iyon. Bahala sila doon."
"Kakaloka." Ganito inilarawan ng versatile actress-comedienne na si Kim Molina ang kumakalat na tsismis na buntis siya.
Matatandaang noong August 2024, kinumpirma nina Kim at long-time partner niyang si Jerald Napoles na sila ay engaged na.
Ginawa ng 'Rak of Aegis' star ang paglilinaw tungkol sa diumano ay pagbubuntis niya sa kanyang post sa Facebook noong October 24.
Aniya, “KALOKA. Sa mga nagsasabi na buntis ako, tumaba lang ako okay. Sadyang wala lang din akong pake humarap sa camera ng walang make up at ayos. Yung ilong ko, sadyang pango kaya hindi ako buntis na lalake anak kaloka. Nabanat lang lalo sa pisngi kasi nga tumaba. Ganyan na yan since birth. Next year ko pa ibabalik abs ko. Ngayong taon lang kasi naka leave siya kaya hayaan niyo na may schedule yan. For now kakain lang ako ng ilang ice cream na gusto ko balakayodyan.”
Tila naloka ang Kapuso star na si Kate Valdez sa mga kumakalat na tsismis na siya raw ay buntis sa Japanese content creator at artist na si Fumiya Sankai. Sa isang simpleng TikTok video nilang dalawa, maraming netizens ang napansin umano ang pagbabago sa katawan ng aktres at ang tila pag-iwas nitong ipakita ang kanyang tiyan. Hindi naman ito pinalampas ni Kate at agad siyang nagkomento, “Last year pa 'yan ah! Kaloka kayo. E 'di bulok na 'yung bata sa tiyan ko mga buang kayo." Nang tanungin naman ng isang fan kung bakit hindi ipinapakita ni Kate ang kanyang figure, pabirong sagot niya na "Kailangan ba? 'Di ako na inform."
Nilinaw ng It's Showtime host na si Karylle na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita na siya raw ay nagdadalang-tao. Sa isang episode ng kanyang podcast na K's Drama, tinalakay ni Karylle ang mga batas tungkol sa fake news, pati na rin ang isyung may kinalaman sa umano'y "pagbubuntis" niya. Aniya, "So, I have been stopped on the street and congratulated for being pregnant, and I have to explain, of course, that I am not pregnant." Dagdag pa ng singer-host, umabot pa sa punto na may isang news segment na diretsahang nagtanong sa kanya tungkol sa naturang balita. "But I don't want to normalize people asking women if they are, in fact, pregnant because that is your own news to break," giit ni Karylle.
Dini-deny ng 'Kapag Nahati sa Puso' star na si Sunshine Cruz ang mga nagkalat na 'fake news' na nagsabi na buntis siya o kaya ang kaniyang mga anak.
Sa isang statement ni Mommy Sunshine sa Facebook nitong September 2025, sabi niya, “Few weeks ago binubugbog, nakulong o nasa hospital daw ako, ngayon buntis naman ako or ang mga anak ko.”
“Surprisingly, marami ang naniniwala na totoo itong mga ganitong klase ng kwento. Kaloka si meta at youtube. Monetized pa ang mga ito kaya padami ng padami ang nagpapakalat ng fake news.”
May tatlong anak si Sunshine na sina Angelina, Sam, at Chesca.
Kinailangan pa ni Julia Barretto na mag-post ng kaniyang toned abs noong September 2020 para patunayan lamang na hindi siya nabuntis ng kaniyang now ex na si Gerald Anderson.
Isang representative ng talent management arm na Star Magic na humahawak sa career ni Julia noon ay naglabas ng statement tungkol sa pregnancy rumors at sinabing, “Definitely it's not true.”
Kumalat ang mga haka-haka at tsismis na buntis diumano ang multi-awarded actress na si Bea Alonzo. Ito ay matapos mag-viral ang isang TikTok video kasama ang boyfriend na si Vincent Co kung saan 'tila yata lumaki ang tiyan ng aktres.
Sa Instagram post ni Bea tungkol sa kaniyang birthday, tinapos na nito ang mga espekulasyon tungkol sa kaniyang pagbubuntis.Aniya, “And for anyone curious about 'the picture' -- just caught at a bad angle after an amazing dinner. Glowing, not expecting”
Agad na itinama ng Gawad Urian Best Actress na si Janine Gutierrez ang kumakalat na tsismis na diumano ay buntis siya.
Inihayag ni Janine na pawang 'FAKE NEWS' lamang ang mga espekulasyon na siya ay nagdadalangtao nang may magkomento sa kaniyang Instagram post tungkol sa kasal na dinaluhan.
Kasalukuyang boyfriend ng Kapamilya talent ang versatile actor na si Jericho Rosales.