Chuckie Dreyfus addresses 'gay' rumors; admits his wife used to think he's 'bading'

Sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ng SLAY actor na si Chuckie Dreyfus na pinagdaanan niya noon ang tsismis na gay siya dahil may pagkamalambot siyang kumilos noong kabataan.
"Yes, especially back in the days 80s, 90s," sabi ng aktor. "Because now you know it's so accepted na now. I mean, it doesn't really matter.
"Noon nagtataka ako. First, issue ba if you are a gay or not? But, and then, lumabas 'yung balita kasi medyo lalamya-lamya ako nu'ng bata ako kapag kumilos. Pinagdaanan ko talaga."
Ikinuwento rin ni Chuckie ang naging blind date nila noon ng asawang si Aileen kung saan, aniya, inakala din nitong "bading" siya.
"In fact my wife now, I don't know if people know this, blind date kasi kami noon. We were hook up to date. And, naalala ko pa ang sabi daw is 'O, i-hook up kita kay Chuckie Dreyfus.'
"Ang unang sinabi pa ng wife ko ngayon, 'Ayoko doon kasi 'di ba bading 'yon?' 'Yun talaga ang ano... so iba na lang, gumaganon siya.
"E wala nang choice nu'ng time na 'yon so pinakita ako sa kanya na [lalaki ako]. Ayon, nagkaanak kami kaagad. Nauna ang anak, kita mo na. Masyado kong pinatunayan," pabirong kuwento ng aktor.
Sa ngayon, 24 taon nang kasal si Chuckie sa asawang si Aileen. Isa rin itong cool dad sa kanyang dalawang anak na sina Ralph at Isabella.
RELATED: Chuckie Dreyfus's cool dad moments with Ralph and Ella














