Ciala Dismaya, kokomprontahin ng mga senador!

Walang duda na trending at viral ang bagong karakter ng multi-awarded comedian at content creator na si Michael V.!
Nitong Martes (September 9), ipinasilip sa official social media pages ng Bubble Gang at YouLOL ang bagong character ni Direk Michael na si Ciala Dismaya na talagang kinaaliwan ng fans.
Ang ilang behind-the-scenes photos na kuha mula sa taping ng Kapuso gag show nakakuha agad ng daang libong engagements sa iba't ibang social media platforms.
Samantala, ipinakilala na rin ni Betong Sumaya ang bagong role niya sa mangyayaring sketch sa Bubble Gang this weekend.
Ayon sa Instagram post ng Sparkle comedian, gaganap siya bilang si Senador Markolekta at si Matt Lozano naman ay ipo-portray si Senator Espada.
Kaya tutukan ang inaabangan hearing ni Ciala Dismaya sa Bubble Gang, ngayong September 14 sa oras na 6:10 p.m.
RELATED CONTENT: MICHAEL V.'S ICONIC CHARACTERS














