Clifford at Fred Moser, evicted sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

Sa ikalimang eviction night sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, dalawang bagong housemates ang muling magpapaalam mula sa Bahay ni Kuya.
Ang Sparkle star na si Clifford at ang Star Magic artist na si Fred Moser.
Mananatili naman sa loob ng bahay para ipagpatuloy ang kanilang mga laban sina Heath Jornales, Ashley Sarmiento, Krystal Mejes, at Miguel Vergara.
Matatandaang nominado noong nakaraang linggo mula sa Kapuso housemates sina Ashley Sarmiento, Clifford, at Heath Jornales. Nominado naman ang Kapamilya housemates na sina Fred Moser, Krystal Mejes, at Miguel Vergara.
Samantala, iniligtas naman ng Team True-pa na binubuo nina Joaquin Arce, Caprice Cayetano, Sofia Pablo, at Carmelle Collado nag housemates na sina Princess Aliyah at Lella Ford mula sa nominasyon.
Inanunsyo rin ni Bianca Gonzalez ang pagbisista ng ilan sa mga celebrity houseguests simula bukas sa pangunguna ni Mowm at dating PBB Celebrity Collab Edition housemate na si Klarisse De Guzman.
Abangan ang susunod na twists at mga sorpresa mula kay Big Brother na masasaksihan sa hit collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 nang live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na mapapanood DITO.
RELATED CONTENT: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'



















