Veteran comedian Matutina dies at 78

Pumanaw na ang comedienne-actress na si Evelyn Bontogon-Guerrero, na mas kilala sa Philippine entertainment industry bilang si Matutina.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kaniyang anak na si Shiela Guerrero sa GMA News Online ngayong Biyernes, February 14.
“My mom passed away this morning,” mababasa sa chat ni Shiela na kaniyang ipinadaan sa Facebook Messenger.
Ayon sa kopya ng medical certificate, Hypertensive Cardiovascular Disease ang pangunahing dahilan ng kaniyang pagpanaw.
Si Matutina ay binawian ng buhay sa edad na 78.
Siya ay napapanood noon sa Philippine TV series na John en Marsha bilang supladang kasambahay.
Ang kaniyang role ay labis na kinagiliwan ng maraming Pinoy viewers, lalo na ang mga eksena niya kasama si Dolphy na napanood sa serye bilang si John Puruntong.
Matatandaang sa naging panayam sa kaniya ni Julius Babao noong 2024, inalala niya ang kaniyang yumaong John en Marsha co-stars, gaya na lamang nina Nida Blanca at Dolphy.
Samanatala, narito ang ilang pang Pinoy comedians na pumanaw na:
































