advertisement
TV

Connie Sison, Martin del Rosario, proud sa achievements ng isa't isa

1 of 10

Careers

Magkaiba man ang karerang pinili, pareho pa ring napapanood sa telebisyon ang magtiyahin na sina Connie at Martin.

2 of 10

Proud

Kaya naman, hindi maiwasan ni Connie na maging proud sa narating ngayon ni Martin, lalo na noong mapanood niya ang galing nito sa pag-arte.

3 of 10

Serious acting

Pagbabahagi pa ng batikang broadcast journalist, nagulat siya noong unang mapanood ang serious na acting ni Martin, "Nu'ng first time ko siyang nakita 'yung sobrang acting talaga, siyempre hindi naman ako sanay na nakikita siyang ganu'n, sabi ko, 'Saan nanggaling 'yun?'"

advertisement
4 of 10

Deep acting

Sa eksenang napanood, inilarawan ni Connie si Martin na may malalim na emosyon at isang versatile na aktor.

5 of 10

'Tita ko 'yan' moments

Aminado naman si Martin na mayroon din siyang mga "Tita ko 'yan!" moments. Bilang estudyante ng Broadcast Communications, alam niya ang pinanggagalingan ni Connie pagdating sa trabaho.

6 of 10

Growth and achievements

Ani Martin, "Napapanood ko si Tita Connie, nakita ko 'yung growth niya, 'yung mga achievements niya, so I guess lahat ng narating ni Tita Connie, deserve niya talaga kasi sobrang hardworking niya."

advertisement
7 of 10

Honest and straight forward

Inilarawan naman ni Martin ang kaniyang Tita Connie bilang honest at straight forward, "Hindi niya kukunsintihin 'yung mali. Kapag nakita niyang mali ka sasabihan ka talaga niya na 'Mali 'yang ginagawa mo.' But iintindihin niya 'yung sitwasyon."

8 of 10

Connie as an actress

Aminado si Connie na may mga pagkakataong natatanong din siya kung bakit hindi siya nag-artista. Ngunit sabi ng batikang broadcaster, "Mahiyain ako, maarte lang ako pero hindi ako magaling umarte." Ngunit nang subukan nila ang acting prowess ni Connie sa isang skit, nasabi nina Boy at Martin na kaya naman nito maging aktres.

9 of 10

Martin as a reporter

Sa naturang skit, bilang Broadcast Communication graduate, ay sinubok nila si Martin kung kaya ba nitong maging isang reporter. At ayon kay Connie, kayang-kaya naman ito ng pamangkin.

advertisement
10 of 10

Challenges

Aminado naman sina Connie at Martin na challenging ngayon ang kani-kanilang industriya sa broadcasting at acting. Si Connie at kapwa anchors and journalists, hirap dahil sa kumakalat nadisinformation at misinformation. Si Martin naman at kapwa niya mga aktor, tila nasa isang kompetisyon para magtagal sa industriya.

Around GMA