Content creator collectives: Kilalanin ang mga grupong ito

Bukod sa mga celebrity na napapanood sa mga programa sa telebisyon at pelikula, nagbibigay din ng saya sa maraming Pinoy online ang talented content creators sa social media.
Sila ang vloggers at online influencers na gumagawa ng relatable at full of entertainment videos na napapanood saan mang sulok online.
Marami na rin sa mga content creator na ito ang sumikat at tumawid mula online personality patungo sa pagiging isang ganap na celebrity.
Gaya ng Team Payaman ni Cong TV at Viy Cortez, marami na ring grupo ng mga content creator na puwedeng i-follow online.
Karamihan sa mga ito ay solo influencers na nagsama-sama upang mas maging malawak ang kanilang engagement at pagpapasaya ng mga tao.











