Costumes sa 'Voltes V: Legacy' at 'Maria Clara at Ibarra,' panibagong atraksyon sa Eastwood Mall

Tampok ang costumes ng mga karakter sa hit GMA primetime series na Voltes V: Legacy at Maria Clara at Ibarra sa Eastwood Mall ngayong Agosto.
Ito ay bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at National Heroes' Day katuwang ang Kapuso network at Eastwood City para sa 'Ugnayan: Celebrate Everything Filipino' campaign.
Makikita ang bagong atraksyon na ito hanggang katapusan ng buwan sa nasabing mall.
Naka-display sa exhibit ang mga orihinal na costume na ginamit sa mga palabas ng GMA.
Kabilang riyan ang flight suits na sinuot ng Voltes V team na ibinida rin sa San Diego Comic-con kamakailan. Present naman sa ribbon-cutting ceremony ang mga bida ng groundbreaking action-drama series sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho, at si Liezel Lopez.
Tampok din dito ang mga barong at baro't saya na sinuot mismo ng Maria Clara at Ibarra stars na sina Barbie Forteza, Dennis Trillo, Julie Anne San Jose, at David Licauco.
Narito ang ilang larawan mula sa ribbon-cutting ceremony.






