Cristine Reyes, inaming annulled na; magpapakasal na kay Marco Gumabao?

Sa anniversary episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong February 1, game na sumalang sa hot seat interview ang celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.
Dito ay sinagot ng dalawa, ang tanong ni Boy Abunda kung may plano silang magpakasal.
“Sa estado ng relasyon n'yo ngayon, napapag-usapan na ang kasal?” tanong ng batikang TV host kina Cristine at Marco.
“Of course,” agad na sagot ni Marco.
Dagdag pa niya, “Basta ang usapan namin is 'yung future together. Pero 'yung details or 'yung kung ano, of course, pakonti-konti. Pero 'yung mas longer [plans] 'yun pa, siyempre, 'yung pag-uusapan namin.”
December 2023 nang kumpirmahin ni Marco ang relasyon nila ni Cristine.
Matapos ito, maingat na nilinaw ni Boy kay Cristine kung annulled na ba siya sa dati niyang asawa na si Ali Khatibi.
“Pero ito mapangahas na tanong… Are you annulled?”
“Matagal na, Tito Boy. Yes, po. More than a year,” pag-amin naman ni Cristine.
Paliwanag pa ng aktres, “Kasi, Tito Boy, hindi ko naman siya in-announce, e. It's not something I should celebrate.”
Noong January 2016 ikinasal sina Cristine at Ali. Nagkaroon sila ng anak na si Amarah. Noong 2019 naman nang mapabalitang naghiwalay na sina Cristine at Ali.
SAMANTALA, NARITO ANG ILANG PANG CELEBRITY COUPLES NA NAUWI SA ANNULLED O DIVORCED:








































