Cristine Reyes reiterates her love for Marco Gumabao on his birthday

GMA Logo Marco Gumabao, Cristine Reyes
Source: gumabaomarco (IG)

Photo Inside Page


Photos

Marco Gumabao, Cristine Reyes



“Mahal ko 'yan, 30 na 'yan siya.”

Iyan ang naging short but sweet message ni Cristine Reyes para sa kanyang boyfriend na si Marco Gumabao.

Sa Facebook Stories, nag-post si Cristine ng sweet picture nila ni Marco na ipinagdiwang ang 30th birthday niya kahapon, August 14.

Source: Cristinereyessss/FB

Nag-post din si Marco Gumabao sa kanyang Instagram account kung saan sinabi niyang hindi pa rin siya makapaniwala na 30 na siya.

Caption ng aktor sa post, “Not so Dirty Thirty. Grabe, parang kailan lang 29 palang ako, ngayon 30 yrs old na”

Pinasalamatan niya ang Diyos para sa lahat ng blessings na natanggap niya, maging ang trials, hardships, at lessons na dumating sa kanyang buhay dahil “that's what made me to the man I am today. ”

Taong 2023 nang mag-vral ang litrato nina Cristine at Marco nang magkasama sa Siargao. Kaya naman hindi maiwasan na magtanong ang mga tao kung may relasyon na nga ba sila noong mga panahon na iyon.

Matapos ang halos isang buwan ay Instagram official na ang dalawa at kinumpirma ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pag-post ng kanilang litrato sa beach na magkayakap.

Caption ni Marco sa kanyang post noon, “You are my home and my adventure all at once.”

Sa interview ng celebrity couple sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Pebrero 2024, muling ipinahayag ni Marco ang kanyang pagmamahal sa girlfriend. Sa parehong episode, inamin nila na napag-uusapan na rin nila ang kasal.

Matapos nito, maingat na nilinaw ng host na si Boy Abunda ang estado ng kasal ni Cristine sa dating asawa na si Ali Khatibi, at tinanong kung annulled na ba sila.

Ang sagot ni Cristine, “Matagal na, Tito Boy. Yes, po. More than a year.”

Paliwanag pa ng aktres, “Kasi, Tito Boy, hindi ko naman siya in-announce, e. It's not something I should celebrate.”

SAMANTALA, BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA CRISTINE AT MARCO SA GALLERY NA ITO:


Cristine Reyes and Marco Gumabao
Spotted 
Confirmed! 
Beach trip
Happy together 
Adventure
Forehead kiss
Support system
Age gap
Sports date
Lovely couple
Quality time
Amarah
Sweetest kiss
Kilig! 

Around GMA

Around GMA

Easterlies to bring cloudy skies, rain over Palawan, VisMin
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve