News

Cristy Fermin at Wendell Alvarez, nagpiyansa sa cyber libel complaint ni Bea Alonzo

Photo by: Showbiz Now Na (YT)

Photo Inside Page


Photos

Cristy Fermin



Matapos maisyuhan ng warrant of arrest, nakapagpiyansa na sina Cristy Fermin at Wendell Alvarez kaugnay ng cyber libel complaint na inihain ng aktres na si Bea Alonzo.

Sa programang Cristy FerMinute nitong Huwebes (July 31), inanunsyo ni Cristy na na-recall na ang kanilang arrest warrant matapos silang magsadya sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).

Ayon sa kanya, hindi muna nakadalo sa episode ang co-host na si Rommel Villamor dahil inaasikaso pa rin ang kanyang piyansa.

"Ang nauna pa lamang po na nakapagsadya sa Branch 93 ng Regional Trial Court ng Quezon City ay kami pa lamang po ni Wendell Alvarez," ani Cristy. "Si Rommel po ay nahuli dahil ang requirements po mula sa barangay ay huli nang kanyang maipon. Kaya nandoon pa nga siya ngayon sa Branch 93 RTC ng Quezon City at inaasikaso ang kanyang bail."

Aminado si Cristy na ikinagulat nila ang pagkaka-isyu ng arrest warrant, lalo't wala umano silang natanggap na resolusyon mula sa piskalya.

"Pagka po kasi ang isang kaso ay dinidinig sa piskalya, magkakaroon po 'yan ng resolusyon. Pero hindi po kasi kami nakatanggap ng resolusyon. Maging aming mga abogado, wala rin natanggap," paliwanag niya.

Ayon sa kanya, July 21 pa inilabas ang warrant ngunit nalaman lamang nila ito noong July 30. Nauna pa raw itong nailathala sa mga balita at social media bago pa man sila maabisuhan.

Pero paniwala ni Cristy ay baka dahil sa nagdaang mga bagyo at habagat kaya't naapektuhan ang paglabas ng balita tungkol sa warrant.

Samantala, nagbigay rin ng pahayag ang abogado ni Bea na si Atty. Joey Garcia.

"We have always stood firm in the merits of our client's case. This development vindicates her position and affirms her right to seek redress," aniya.

"This is not only an initial legal victory for Ms. Alonzo but a statement of principle, free speech does not mean freedom to defame. The law draws a clear line and that line has been crossed."

Noong May 2024, naghain ng cyber libel complaint si Bea laban kina Cristy, Rommel, Wendell, at Ogie Diaz dahil umano siya ay naging biktima ng mga "mali, malisyoso at mapanirang impormasyon."

Samantala, balikan ang iba pang high profile libel complaints sa Philippine showbiz sa gallery na ito:


Piolo Pascual and Sam Milby
Lolit Solis
Erik Santos
Jobert Sucaldito
John Lapus
Jobert Sucaldito
Kris Aquino
Jesus Falcis III
Liz Uy
Fashion Pulis
Deniece Cornejo
Michael Sy Lim
Catriona Gray
Fake photos
Annabelle Rama and Eddie Gutierrez
Cristy Fermin
Annabelle Rama
Jayke Joson
Nadia Monetenegro
Annabelle Rama
Amalia Fuentes
Annabelle Rama
Amalia Fuentes
Ruffa Gutierrez
Esther Lahbati
Cristy Fermin
Bea Alonzo
Cristy Fermin and Ogie Diaz
Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan
Cristy Fermin
Vic Sotto
Darryl Yap

Around GMA

Around GMA

Marcelito Pomoy nang makamayan si Donald Trump sa isang event: 'Once in a lifetime lang po 'yon'
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure