Cup of Joe, hindi makapaniwala na nakapasok ang 'Multo' sa Billboard Global 200

Isa sa mga pinakamalaking achievement ng isang artist ay ang makilala sila internationally. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga miyembro ng bandang Cup of Joe na sina Gian Bernardino, Rapha Ridao, Gabriel Fernandez, CJ Fernandez, at Xen Gareza nang makapasok sa Billboard Global 200 ang kanilang single na “Multo".
Ang Billboard Global 200 ay isang weekly record chart ng Billboard magazine na nagra-rank ng top songs globally. Basehan nila ang digital sales at online streaming record mula sa 200 territories worldwide.
Nakuha ng “Multo” ang ika-181 na pwesto, at kinilala ang kanta bilang pinaka unang Filipino song na nakapasok sa naturang ranking.
Sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, July 30, ibinahagi ng Cup of Joe ang kanilang mga reaksyon para sa naturang milestone.









