Daddy's Gurl: Ang mga kakosa ni Ramil!

Palaban ang bibisita sa mansyon nina Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza) sa Daddy's Gurl sa Sabado ng gabi. Ito ay walang iba kundi si Ramil (Gabby Eigenmann).
Ang pamangkin na ito ni Barak, bagong laya at pansamantalang naghahanap ng matitirhan.
Bubuksan naman ng mag-amang Otogan ang kanilang tahanan sa kanilang kamag-anak, pero tuluyan na kaya iniwan ni Ramil ang buhay niya sa preso?
Paano kaya makikitungo ang boarders ng mga Otogan sa astig nilang bisita?
Tingnan ang mga mangyayari sa 'Daddy's Gurl' this coming April 15.





