Daiana Menezes, nawalan ng anak dahil sa cancer

Isa sa mga kilalang cancer survivors ang Brazilian aktres na si Daiana Menezes. Ngayong taon, masaya niyang ibinalita na opisyal na siyang cancer-free mula sa kanyang stage 2B breast cancer.
Hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan, ngunit ang kanyang laban sa sakit ay nagsilbing inspirasyon sa maraming netizens. Subalit, sa gitna ng pakikipaglaban ni Daiana sa sakit na ito ay ang isang masakit na karanasan ang hindi niya agad naibahagi sa publiko.
Sa kanyang panayam kay Morly Alinio, naranasan daw ni Daiana noon na mawalan ng anak dahil sa kanyang sakit na cancer.
Ayon kay Daiana, nalaman niyang buntis siya habang sumasailalim sa cancer treatment. Ngunit, sa kasamaang-palad, pumanaw ang kanyang apat na buwang sanggol sa sinapupunan.
"I got pregnant [but] unfortunately I lost my baby nu'ng pang four months na ako. Malaki na pero I lost my baby," aniya.
Dagdag niya, "Some people say it's because of the treatment I was doing for cancer. But I feel like it's from medicine."
Ang gamot na nabanggit niya ay para rin sa kanyang cancer.
Patuloy niya, "My baby during [when] I found out had no lymphs. So, my baby was incomplete talaga like hindi siya talaga na-develop. Hindi siya nabuo and the organs ay nakadikit."
Sa kabila ng kanyang pinagdaanan, labis siyang nagpapasalamat sa suporta ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina at ng kanyang kasalukuyang kasintahan.
Ngayong cancer-free na si Daiana, handa na kaya siya maging ina muli?
Ang kanyang sagot, "Hindi ko na siya pinangarap kasi for me, kung bibigyan ni Lord, go lang. Pero kung hindi, okay lang din mag-e-enjoy tayo."
Samantala, silipin sa gallery sa ibaba ang listahan ng celebrities na nakaranas ng miscarriage:





















































