Daig Kayo Ng Lola Ko: Hannah, mahuhuli na nagta-transform bilang manananggal?

Lumiliit ang mundo ni Hannah (Shayne Sava) matapos gamitan siya ng sumpa na maging isang manananggal!
Sa next episode ng “Over My Half Body” story, magiging epic fail ang sana ay sweet date nina Hannah at Dylan (Vince Maristela).
Inabutan ang dalaga ng pagpatak ng alas siete ng gabi at bigla na siyang nagbago ng anyo bilang manananggal. Hindi ito sinasadyang makita ni Dylan at nagtatakbo papalayo.
Makumbinsi pa kaya ni Hannah na alisin ni Libby (Althea Ablan) ang curse o kailangan na niya turuan ng leksyon ang “Mean-nananggal?”
Sundan ang mas gumagandang kuwento ng “Over My Half Body” sa Daig Kayo Ng Lola Ko, ngayong November 18 sa oras na 6:15 p.m., bago ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.




