Dalaga, ilang taong aabusuhin ng amain sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng katatagan at pag-asa ang tampok sa bagong episode ng Magpakailanman.
Pinamagatang "Alipin ng Amain," kuwento ito ni Annaluz na ilang taong nakaranas ng pang-aabusong pisikal, emosyonal, at sekswal mula sa kanyang amain.
Pagkapanganak pa lang kay Annaluz, ipinaampon na kaagad siya ng kanyang inang si Flor sa kanyang tiyahin na si Neng.
Habang lumalaki si Annaluz sa poder ni Neng at ng asawa niyang si Renato, madalas siyang saktan ng mga ito.
Ilang beses din siyang pagsasamantalahan ni Renato.
Magagawa pa kayang takasan ni Annaluz ang buhay niyang puno ng pagpapahirap?
Abangan ang brand-new episode na "Alipin ng Amain," September 7, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






