Dalaga, magiging boyfriend ang tatay ng kanyang best friend sa 'Magpakailanman'

Isang kuwentong tungkol sa pamilya at pagkakaibigan ang matutunghayan sa bagong episode ng Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "BF Ko Ang Tatay ng BFF Ko," masusubukan ang tatag ng pagkakaibigan nina Donna at Karen na best friends simula noong sila ay high school students pa lamang.
Nang maging biyudo kasi ang tatay ni Karen na si Roger, magkakaroon ito ng relasyon kay Donna.
Maaapektuhan ba nito ang pagkakaibigan nina Donna at Karen?
Abangan ang brand-new episode na "BF Ko Ang Tatay ng BFF Ko," August 10, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






