Dalawang fiancée, mag-aagawan sa mana sa 'Regal Studio Presents: Dead Husband's Wives'

Magpapaligsahan para sa mana sa brand-new episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Dead Husband's Wives," magtatagisan sina Empress (Arra San Agutsin) at Czarina (Donna Cariaga), mga babaeng nagpapakilala bilang fiancée ng isang mayamang lalaki na maagang namaalam sa mundo.
Iniwan ng lalaking ito ang kanyang pera, properties, at mga negosyo sa kanyang "true love."
Susubukan nina Empress at Czarina na patunayan kung sino nga ang true love ng kanilang fiancé sa pamamagitan ng paligsahan sa paghahanda ng 40th day memorial service nito.
Bakit nga ba dalawa silang fiancée ng lalaking ito? Sino kina Empress at Czarina ang tunay na tagapagmana?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Dead Husband's Wives," March 9, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






