Dalawang magkaibang Pasko, mararanasan sa 'Magpakailanman'

Isang special Christmas presentation ang hatid ng bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Dalawang Mukha ng Pasko," kuwento ito ng dalawang magkaibang karanasan sa Pasko.
Galing sa pamilyang may kaya si Wilma (Thea Tolentino). Pero dahil sa maagang pagbubuntis, iiwan niya ang marangyang buhay para sumama sa kasintahang si Obet (Rocco Nacino).
Dito matitikman ni Wilma ang payak na buhay ni Obet. Masusubok ang kanilang pagsasama dahil sa mga problemang pinansiyal.
Pagdating ng Pasko, magiging mas matimbang ba kay Wilma ang simpleng selebrasyon kasama si Obet o ang magarang handaan ng kanyang pamilya?
Abangan ang brand-new episode at Christmas special na "Dalawang Mukha ng Pasko," December 13, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






