Isa sa hindi malilimutang performances ni Darren Espanto ang kanyang dance number sa Qatar.
Naging viral ito kamakailan sa social media dahil sa gitna ng kanyang pagpe-perform ay napunit ang kanyang puting pants.
Sa media conference ng pelikulang When I Met You in Tokyo nitong Huwebes, December 14, ikinuwento ni Darren ang pangyayaring ito.
“Sa aking opening number sa third song, dahil doon sa dance steps, napunit yung pantalon ko. It was split in half. Buti na lang yung pantalon ko puti rin, wala namang masyadong nahalata.”
Ayon kay Darren, normal lang na maranasan ito ng isang performer lalo pa kung live show.
Aniya, “For me, it was a moment I feel like every performer has to go through. Hindi ko rin nasubukang sumayaw with those pants. Na-fit ko lang yung pants pero doon ko lang nalaman na hindi siya built for dancing.”
Dagdag pa niya, “I've heard a lot of stories of ripped pants at saka mostly sa costume changes din mayroon wardrobe malfunction. Nasubukan ko na rin yung hindi ako nakapasok sa isang gap dahil hindi ako nakapagbihis agad.
“It happens kapag live shows, lalo na kapag sa TV. You just have to be professional about it.”
“The show must go on,” ika nga, kaya naman agad ding nagpalit si Darren ng kanyang pantalon.
“Pinahawak ko yung mic sa isang kasama habang nagpapalit ako sa backstage kasi isang medley po yung. Bumalik po ako sa stage na iba na yung pantalon ko.”
SAMANTALA, NARITO ANG ILANG PANG ARTISTANG NAKARANAS NG WARDROBE MALFUNCTION:
Nanatiling mahinahon si Solenn Heussaff matapos magkaroon ng Snapchat nip slip incident noong 2016. Marami na ang nakapag-repost ng kaniyang video kahit burado na ito sa kanyang feed, pero hindi naalarma ang It girl. Ika pa niya, "It's just a boob."
Dahil na rin sa kaniyang pormal na kasuotan, biglang nasira ang damit ng dating Sexbomb dancer na si Sugar Mercado nang siya ay pasayawin ni Kuya Wil sa 'Wowowin.' Nagtawanan lang sila ng kaniyang co-hosts at itinuloy ang game segment ng programa.
Napunit ang pantalon ni James Blanco habang kinukuhanan ang isang matinding eksena nila nina Wendell Ramos at Vaness Del Moral sa 'Onanay.' Ipinost pa ni James ang video sa Instagram at sinabing buti hindi nakita ang kaniyang private parts.
Aminadong nasaktan si Anne Curtis matapos kumalat ang kaniyang larawan na kita ang kanang bahagi ng kaniyang dibdib. Nakaranas ng wardrobe gaffe ang aktres habang nagpe-perform para sa summer special ng musical variety show na ASAP sa Boracay noong 2010.
Katulad ni Anne, aksidenteng nakitaan din ng dibdib si Primetime Queen Marian Rivera habang nagpe-perform suot ang kanyang tube-top dress. Hindi talaga maiiwasan ang ganitong mga pangyayari dahil umeere ng live ang defunct musical variety show na 'SOP' noong panahong iyon. Sa kabila nito, itinuloy ni Marian ang pagbibigay-saya sa kanyang fans sa pamamagitan ng pagsayaw sa kaniyang dance craze na "Sabay-Sabay Tayo."
Hindi ikinahihiya ni Bruno ang wardrobe malfunction na kaniyang na-experience noong siya'y teenager pa lamang. Ibinahagi niya sa 'Mars' na nasira ang kaniyang sweat pants habang tumatalon sa trampoline.
Safety pins ang sumagip sa nasirang zipper ng evening gown ng pambato ng Pilipinas sa Miss Supranational 2018 na si Jehza Huelar. Hindi man nasungkit ng Davao beauty ang titulo, wagi naman siya sa puso ng mga Pilipino dahil sa ipinakitang niyang grace under pressure.
Hindi naiwasang makaranas ng wardrobe malfunction ng Miss Bikini PH 2015 candidate na si Angela Yagaya habang ibinibida ang kaniyang bikini-ready figure sa swimsuit competition. Hindi nagpaapekto rito ang kandidata at nagpatuloy sa kanyang pagrampa sa kabila ng kinakaharap na aberya.
Habang nasa audition ng "Bida Next" segment si Denise Barbacena sa 'Eat Bulaga' ay biglang nasira ang suot niyang heels pero tuloy lang siya sa pagkanta at pagsayaw. Kasunod nito, ay natanggal naman ang strap ng suot niyang damit pero hindi pa rin nagpatinag si Denise at nagpatuloy sa kanyang performance. Pasimple naman siyang inabutan ng coat ni Beauty Gonzalez habang sila ay umaarte sa acting portion ng audition.
Sa kalagitnaan ng kanyang live performance sa isang show sa Qatar, napunit ang puting pantalon na suot ni Darren Espanto. Ayon sa binatang singer-actor, hindi na nasubukan ang pantalon nang sumasayaw bago umakyat sa stage. Gayunman, nagpatuloy pa rin ang performance ni Darren, na agad nagpalit habang may gap.