David Licauco celebrates birthday with fans amidst busy schedule

GMA Logo David Licauco

Photo Inside Page


Photos

David Licauco



Abala man sa kabi-kabilang projects at commitments, nagawa pa rin bigyan ng oras ni Pulang Araw star na si David Licauco ang kaniyang fans, na kung tawagin ay DavidTroops, upang ipagdiwang ang kaniyang birthday kasama nila.

Nagdiwang si David ng kaniyang birthday noong June 15, ngunit nag-celebrate pa rin sila ng kaniyang fans nitong Sabado, June 29.

Sa post ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent agency ng GMA Network, sinabi nilang “forever grateful” si David para sa kaniyang kaarawan at sa kaniyang fans. Kalakip ng post na ito ay ang ilang pictures ng birthday celebration ng Pambansang Ginoo kasama sila.

“Pambansang Ginoo David Licauco dedicated his Saturday afternoon to celebrate his birthday with his fans, David Troops,” pagtatapos nila sa post.

Abala ngayon si David para sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang historical drama series na Pulang Araw kung saan makakasama niya sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, at Alden Richards. Mapapanood rin sa kaniyang natatanging pagganap si Dennis Trillo.

Bukod dito ay abala rin si David at kaniyang co-star na si Barbie sa nalalapit na local premiere ng kanilang first-ever movie na That Kind of Love. Nakasama ang kanilang pelikula sa hanay ng mga pelikulang ipinalabas sa Jinseo Arigato Film Festival sa Japan.

Tingnan ang mga naganap sa pagdiriwang ng kaarawan ni David sa gallery na ito:


David Licauco
Sponsors
David Troops
Birthday cake
Happy Birthday, David!

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras